NAKATUTOK ang atensiyon ni Greyson sa harap ng kanyang laptop ng maramdaman ang pagbukas ng pinto sa opisina niya. "Amanda, sinabi ko nang ayokong magpa-istorbo-- Hindi na natapos ni Greyson ang sinasabi ng pag-angat niya ng tingin patungo sa kung sino man ang nagbukas ng pinto ng opisina niya ay nakita niya ang pinsan na si Jackson. Akala niya ay ang secretary niya na si Amanda ang pumasok sa opisina niya. Mahigpit pa naman niyang bilin dito na huwag siyang istorbohin nito. At kung may gustong kumausap sa kanya ay pabalikin na lang ito sa next week dahil marami siyang ginagawa. "What are you doing here, Jackson?" nakakunot ang noo na tanong niya sa pinsan. Ang hilig-hilig nitong pumunta do'n ng hindi man lang siya sinasabihan. Nagugulat na lang siya minsan nasa opisina na niya ito. Sa

