NAGMULAT ng mga mata si Zoey ng magising siya kinaumagahan. At sa halip na bumangon siya sa kama ay nanatili siyang nakahiga habang nakatitig siya sa kisame. Nagkaroon si Zoey ng panaginip. At sa panaginip niya ay nagkabalikan na daw silang dalawa ni Greyson. And they were happy. Lalo na at tanggap na nito si Zeus bilang anak nito. At sa panaginip niya ay hindi lang siya ang masaya kundi pati na din ang anak niya. Kitang-kita niya sa kanyang panaginip ang kasiyahan na bumalatay sa mukha nito habang kasama nito ang ama nito. Kapag tinatatawag ni Zeus ang Papa nito. Kinagat naman ni Zoey ang ibabang labi ng makaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot sa sandaling iyon. Alam kasi niyang kabaliktaran ng panaginip niya ang mangyayari sa totoong buhay. Alam niyang impossibleng mangyari na ma

