PAUWI na si Greyson sa bahay galing sa trabaho ng magbago ang isip niya. At sa halip na dumiretso ng uwi ay naisipan niyang pumunta sa condo ni Zoey. He wanted to see his son. Gusto kasi niyang bumawi dito, gusto din niyang punuin ang apat na taon na hindi niya ito kasama. Gusto niyang bumawi sa kasalanan na ginawa niya. At siyempre, gusto din niyang makita si Zoey. Sa ginawa niya ay alam naman niyang walang kapatawaran ang ginawa niya sa mag-iina niya. Tanggap din niya na wala siyang kwentang ama at asawa. Gayunman ay gusto pa din niyang subukan na bumawi sa mga ito. At gagawin niya ang lahat para mapatawad siya at bumalik ang mga ito sa kanya. Aaminin ni Greyson, sa kabila ng inaakala niyang panloloko at pagtataksil nito sa kanya ay may puwang pa din ito sa puso niya. Pilit lang niya

