INALIS ni Zoey ang tingin sa labas ng bintana at inilipat niya iyon kay Greyson nang mapansing hininto nito sa gilid ng daan ang minamaneho nitong sasakyan. "Bakit?" tanong niya dito ng bumaling din ito sa kanya. "You okay?" tanong naman nito sa nag-aalalang boses. Napansin din niya ang pag-aalala na nakabalatay sa mga mata nito habang nakatitig ito sa kanya. Kinagat naman niya ang ibabang labi para pigilan ang emosyon sa sandaling iyon. Naalala kasi niya ang sinabi nito sa kanya noon na ayaw siya nitong nakikita na malungkot kaya hanggang maari ay pinipigilan niya ang sarili. Pero nang tapikin nito ang balikat nito at noong magsalita ito ng masuyo ay hindi na niya nakayanan pa na pigilan ang emosyon. She cried and her tears keep flowing in her eyes. "You can cry on my shoulder, babe

