SAGLIT na hindi nakakilos si Zoey habang nakatitig siya sa cellphone na inabot sa kanya ni Zeus sa sandaling iyon. Hindi kasi niya alam ang gagawin, lalo na ang sasabihin kay Greyson. kapag nagtanong ito tungkol kay Zeus na sumagot sa tawag ito. For sure, nagtanong si Greyson sa bata at sigurado din siyang sumagot ang anak dito Kilala ni Zoey ang anak, may pagkamadaldal minsan ito at marunong na din itong sumagot kapag tinatanong. At narinig niya ang sinabi ni Zeus kay Greyson nang makita siya nito. Narinig niyang sinabi nito na 'nandito na si Mama.' Matalino si Greyson, imposibleng hindi ito mapaisip sa batabg kausap nito. "Mama, sagot mo na po. Hanap ka po niya sa akin." Napakurap-kurap si Zoey ng mga mata ng marinig niya ang boses na iyon ng anak. Inalis niya ang tingin sa cellpho

