KINUHA ni Zoey ang cellphone niya na nakalapag sa center table. She switch on the wifi. Naisipan kasi niyang mag-browse sa social media account niya. Matagal-tagal na rin kasi simula no’ng tiningnan niya ang account niyang iyon. Nakita niyang marami siyang friends request. Madami din notification. Isa-isa niyang tiningnan ang mga nag-request sa kanya. Hindi niya kilala ang iba pero may mga mutual friends sila. Pero ang in-accept niya ay ang friend request ni Jackson. Ito iyong male friend ni Samantha at pinsan ni Greyson na nakilala niya sa Bar noon. And after that, she browse her newsfeed again. Napatigil siya sa pagba-browse nang makita niya ang pinost na picture ni Monica. Hindi naman niya ito friend sa social media account niya. Pero dahil naka-tag ito kay Tita Mina niya na friends

