CHAPTER 51: SALLIE 2.0 CEDRICK (POV) Nakaramdam ako ng konting selos sa aking nalaman. Akalain ko ba namang matutuluyan pa rin pala si Ancient na mahulog kay Sallie. At least nandoon pa rin pala talaga ang pagiging lalaki niya. Pinipigilan niya lang dahil sa mapait na nakaraan ng kanyang pamilya. Pero 'yung gagawin niyang pagtakas dahil sa takot na maging katulad siya ng kanyang yumaong ama ay mali. Sa tingin niya ba doon siya sasaya? Sa tingin ko hindi. Throughout our lifetime we commit mistakes. Kahit nga siguro mga banal at relihiyoso ay nagkakamali paminsan- minsan. Hindi siya kaagad umimik sa reaksyon ko towards his plan. "Being a transgender is not the solution Ancient. Sige wag mo nang kilalanin ang lolo mo. Pero please wag mong itulad ang kapalaran mo sa mga magulang mo. Hayaan

