PAGKALABAS sa airport ni Yvytte at ng mga tauhan nito ay nakahanda na ang lahat. " Alam niyo na ang gagawin niyo. Tandaan niyo kailangang maunahan ko siya sa pupuntahan niya at mailigpit ang traydor na yun at mapigilan ang pag kalat ng sekritong meron ako. Nagkakaintindihan ba?" " Opo." " Good, hintayin nalang natin ang kinontak ko. Gawin niyong malinis ang trabaho niyo. Bumalik tayo ng sabay sabay bago mag madaling araw." SAMANTALA itong si Spica na kalalabas lang ng airport ay napapapikit sa paglanghap ng simoy ng napakapreskong hangin sabay napabuntong hininga naman at napatitig sa teks nitong si Jaguar na katatanggap lang niya. " Sira ulo talaga ang lalaking yun. Kung alam ko lang si Eagle na lang ang isinama ko at siya ang ginawang cctv dun. Nakakayamot. Pano ko malalaman kung n

