NAPAANGAT ng tingin si Spica ng makita niyang umilaw ang kotse sa bandang building.Saka niya binasa ang kararating lang na teks. " Papunta na kami brad." Basa niya sa mensahe, mabilis niyang ibinulsa ang phone at itinabi sa mas madilim na parte saka inihanda ang sarili. Saka inayos ang suot nitong itim na leather jacket, pants, itim na sombrelo at ang nasa paanan niya sa bandang kanang hita na may patagong nakalagay na isang kutsilyong matalim. Sabay hawak sa baseball bat naat ipinatong sa kanang balikat. " It's my lucky turn tonight." Bulong nitong sambit. " Hintayin mo ko Vhivv. I'll save you no matter what happen." Ilang minuto pa ay umalis na din ang kotse, at mula sa kinatatayuan niya sigurado siyang dalawa sa mga lalaking yun ang pumasok sa kotseng umalis para sunduin si Romeo.

