NAPAPAKUNOT noo si Spica habang nasa byahe siya, parang may mali sa tiyahin niya para maalarma ng ganun ganun na lamang. Napatigil naman siya ng matanaw niya ang isang taong, siyang pamilyar sa mga mata niya na papasok sa isang department store, si Bryan na tinitigan niya muna ng ilang minuto para makasigurado na ito nga ang taong hanggang sa kabilang buhay ay isinusumpa niya sa kawalang hiyaang ginawa nito sa kaibigan. " F***! " Napamura niyang sambit, halatang may pinagtataguan ang lalaking yun dahil bukod sa nakasombrero ito, nakamask pa at patingin tingin sa paligid na para bang may iniiwasan saka isinuot ang shade nito. " Masamang d**o ka nga." Aniya ni Spica sabay liko at ihininto sa tabi ang motorsiklo at nagmamadaling bumaba habang ang mga mata nito ay hindi pa din hinahayaang m

