Chapter 11 Kakai's Pov LINGGO ngayon at hindi ko alam kung aalis ba si bossing Thanatos. Basta ang alam ko ginawa ko na ang dapat kung gawin. Maaga talaga ako nagising kasi nakasanayan naman pud namin sa probinsya na maaga nagigising. Hindi uso sa'min talaga gumising ng tanghali.. baka mabuhusan ako ni nanay ng ihi niya sa arinola. Ayaw pa naman yun kapag natatagalan ako gumising. Lalabas na naman kasi sa bibig niya ang mga salitang Ka mga mookan ninyo. Maayo ra ba og mga dato mo. (Ang tagal niyong gumising. Akala niyo naman mga mayaman kayo.) Hanggang sa nakasanayan nalang talaga namin gumising ng maaga. Hindi pa nga maliwanag sa labas pero gising na ako. Wala kasi manok dito oh katulad sa mga kapitbahay namin. Mabuti nalang bumangon ako agad kanina kaya naglinis na ako ng maaga. D

