Chapter 17 Kakai’s Pov GUMALING na talaga ako sa lagnat ko kahit wala pa akong kiss galing kay bossing Thanatos. Syempre joke ko lang yun para asarin si bossing ba kaya gwapo talaga siya kapag nagagalit. Balik na naman ako sa linis-linis ng bahay para hindi magalit si bossing. Nainis pa naman ako sa uniporme ko kasi umaangat ba. Nakatuwad pa naman ako kasi kinukuskusan ko ang sahig sa may dirty kitchen ni bossing. Sus.. ka daghan (ang dami) niyang kusina sa bahay. Napapatanong nalang talaga ako kung mahilig ba sa kusina si bossing Thanatos. Hindi pa naman siya gising kaya hindi ako nahihiya magtuwad-tuwad dito. Wala naman makakakita sa panty ko na kulay pula. Alam ko din naman na hindi pupunta si bossing dito sa kusina na ‘to kaya hindi ako natatakot tumuwad-tuwad. Alam ko kasi na

