Chapter 49 Kakai’s Pov PAGKATAPOS namin kumain ni sir Jonas ay iginala pa niya ako sa mall. Gusto ko sanang matawa dahil inaasar talaga niya si bossing Thanatos. Ewan ko ba sa lalaking ‘to na parang tuwang-tuwa pa na galit si bossing. Holding hands kami ni sir Jonas naglalakad dahil yun ang sabi niya. Kaya pala panay siya hawak sa kamay ko kanina dahil alam na niya na nakasunod si bossing Thanatos. Pumayag naman ako dahil naisip ko ang sinabi niya kaya ang sarap niyang asarin. Humanda talaga siya sa ‘kin dahil sabi niya hindi naman daw niya ako type. Mukhang epktibo naman yata ang ginagawa namin ni sir Jonas dahil may naririnig kaming kalabog sa likuran namin o di kaya ay napapasigaw ang ibang tao o napapatili sa gulat. Hindi na nga lang kami lumilingon ni sir Jonas dahil alam na

