Chapter 6
Kakai's Pov
HINDI ko na alam kung nasa'n na kami ni bossing gwapo. Pero pumasom man kami sa hindi ko alam ang tawag pero may gwardya na dalawa na nakabantay. Pinadaan pa nga kami kaya napakapasok kami dito.
Panay ang tingin ko sa bintana at hindi ako mapakali dahil ang ganda naman talaga. Ngayon pa lang kasi ako nakapunta sa ganitong lugar kaya nakakagulat talaga.
"Ka nindota diri, bossing uy!" (Ang ganda po dito, bossing uy!) Sabi ko habang namamangha sa paligid namin. Ang ganda naman talaga. Yung mga bahay ay ang lalaki. Ka mga dato siguro ang mga nakapuyo dito. (Mga mayayaman siguro mga nakatira dito.)
"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na bawal ka mag bisaya kapag kaharap ako. Gusto mo bang ibalik kita sa terminal?" Pananakot niya sa 'kin kaya natakot ako kaya tumahimik nalang talaga ako. Ayaw ko bumalik sa kalsada talaga. Yung itsura ko pa lang ay mukha na akong badjao. Mas mabuti pa nga itsura ng mga badjao kaysa sa 'kin. Tama sigurog itawag sa 'kin ay atong grasa yata.
"O-Opo, bossing. Pasensya na po. Natuwa lang po ako sa ganda ng mga bahay. Ang lalaki po kasi.. ngayon lang po ako nakakita ng mga ganitong bahay." Sabi ko habang tinuturo ang mga bahay na nadadaanan namin.
Hindi sumagot si bossing. Pero huminto ang sasakyan niya kaya napatingin ako sa malaking bahay na kulay itim ang pintura. Ka yawa sa balay uy! kahit itim ang kulay ay maganda pa din. Lahat ng bahay na nadaanan namin ay puti at kung hindi puti ay may ibang kulay na light lang ba. Ito lang yata ang naiiba kasi itim.
"Ito ang bahay ko. Dito ka na titira at maninilbihan sa 'kin bilang katulong." Sabi ni bossing kaya napatango- tango ako.
Sasagot na sana ako pero biglang lumabas si bossing gwapo sa kotse. Ako naman ay hindi alam ang gagawin. Naboang man twn ni si bossing.. iniwan man niya ako dito.
Hindi ako marunong bumukas ng pinto. Yung una ko kasing sakay no'n ay nataranta lang talaga ako kaya ako nakalabas. Natakot kasi ako no'n sa kanya dahil sinigawan niya ako. Kaya siguro nagawa kong makababa no'n.
Pero nagulat ako ng pinagbuksan ako ni bossing gwapo. Sigguro nagtaka sya kung bakit ang tagal ko bumaba ng sasakyan. Sana wag niya akong sigawan talaga dahil natatakot ako kapag may taong sumisigaw sa 'kin.
"Pati pagbukas ng pintuan ay hindi ka marunong." Bungad sa 'kin ni bossing ng pagbuksan niya ako ng pintuan. Pero hindi na ako sumagot dahil hindi talaga ako marunong uy! Malay ko ba! Dapat yata sigawan ulit ako ni bossing para mataranta ako.
Bumaba naman ako ng sasakyan habang nakatingin ako sa itim na bahay. Ang ganda naman talaga ng bahay na 'to. Grabe.. yung design pa lang talaga.
Sumunod ako kay bossing gwapo na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan. Mamaya siguro ay itatanong ko para makahibaw pud ko uy! (para malaman ko din uy!)
Binuksan ni bossing ang itim na gate kaya pumasok ako. Nakasunod lang talaga ako sa kanya at hindi ako nagsasalita. Baka makasab-an na pud ko ani. (Baka mapaglitan na naman ako nito.)
Pumasok si bossing sa bahay kaya nagdadalawang isip ako pumasok dahil nahihiya talaga ako. Ang dumi pa naman ang tsinelas ko. Hindi lang tsinelas kundi ang paa ko. Wala na talaga akong bihis-bihis kasi wala naman akong ibang damit. Wala din naman ako pera para pang bili ng damit sana. Pero wala man kaya nagtiis nalang talaga ako kaysa naman sa wala.
Lumingon sa 'kin si sir gwapo at masama na naman nakatingin sa 'kin kahit wala naman akong ginawang masama. "Ano pang hinihintay mo diyan?" Tanong niya sa 'kin maya nagulat na naman ako dahil ang lakas ng boses niya.
"Ahm.. ano po kasi, bossing.. nahiya po ako pumasok kasi madumi po ang suot kong tsinelas. Pati paa ko po madumi din po. Baka mahugawan este.. marunihan ko lang po ang bahay mo po." Pagsasabi ko sa kanya ng totoo.
"Pumasok ka na dito bago pa kita ibalik sa kalsada. Kailangan kong tanungin anb pangalan mo kahit wala naman akong pakialam." Sabi pa niya kaya napakamot ako sa likos ng ulo ko.
Wala na talaga ako nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya na pumasok ako sa loob. Iniwan ko nalang ang tsinelas ko sa labas saka ako naglakad ng dahan-dahan. Nahihiya talaga ako uy! Lalo na dahil ang linis ng bahay niya. Grabe.. parang walang dumi ang bahay niya.
Kaya siguro sinabi niya kanina na hindi niya kailangan ng maid pero wala lang talaga siguro siyang magawa. Pero okay na din yun dahil nakaligtas ako kung masama man yung dalawang lalaki na gusto akong dalhin sa bahay nila. Kung hindi siguro niya ako sinagio baka kung saan na talaga ako napunta.
Pinalibot ko ang tingin ko sa buong bahay ni bossing gwapo og makaingon gyud ko nga ka dato sa yawa. (Pinalibot ko ang tingin ko sa buong bahay ni bossing gwapo at masasabi ko lang talaga ay ang yaman ng yawa na 'to.)
"Sit down," sabi niya habang nakaupo siya do'n sa upuan na itim din. Mahilig yata siya sa maitim. Ipakita ko kaya ang maitim kong singit at baka magustuhan din niya. Pero siyempre.. biro ko lang naman yun. Kauwaw (Nakakahiya) pud kong ipakita ko sa kanya ang singit ko. Hindi pa naman ako nababaliw para gawin yun.
Sumenyas sa 'kin si bossing gwapo na umupo daw ako kaya dali- dali din akong naglakad papunta sa kanya at lumapit didto sa upuan na katapat niya.
Nagdadalawang isip ako kung uupo ba talaga ako o hindi. Baka kasi dumikit abg amoy ko sa upuan. Nakakahiya naman kung umupo ako talaga.
"Umupo ka na.." sabi pa sa 'kin ni bossing gwapo.
Lingo-lingo akong ulo sa iyang g ingon. (Umiling-iling ang ulo ko sa sinabi niya.) "Wag nalang po, bossing gwapo uy! Nahiya po ako umupo at baka madumihan." Sabi ko sa nahihiyang boses.
Napabuga naman siya ng hangin kaya napayuko ako. May kasalanan na naman yata ako sa kanya. Natatakot pa naman ako kapag nagagalit siya ba. Pakiramdam ko kasi ang tapang-tapang niya.
"Umupo ka na! Pwede mo namang linisan yan mamaya." Sabi niya habang hindi nakatingin sa 'kin.
Tumango nalang ako at kahit labag sa kalooban ko ay umupo parin ako dahil kakausapin ako ni bossing.
"So, anong pangalan mo?" Tanong niya sa 'kin.
Tumikhim ako para mawala ang kakulba ko. (kaba ko.) "Ahm.. ako po si kuan..si Kathleen Llanto, bossing gwapo. Pwede mo po akong tawagin na Kakai. Yun po kasi ang tawag nila sa 'kin talaga. 18 anyos na po ako og taga Ormoc City." Pagpapakilala ko sa sarili ko.
"18 years old? Anong ginagawa mo dito sa Manila? Hindi ba dapat ay naga-aaral ka pa?" Tanong niya sa 'kin. Pinakinggan ko pa talaga ng mabuti para alam ko ang isasagot ko.
"Ahm.. mahirap lang po buhay namin sa probinsya, bossing. Yung nanay ko po matanda na dahil po sa kanang kuan.. unsa ra gali tagalog ana uy.. yung palaging nag tra-trabaho po, boss. Ganun po.. tapos ako po elementary pa lang po ako. Hindi na po ako nakapag high school dahil tumigil na po ako para makatulong sa nanay ko. Kaya pasensya na po talaga, bossing.. kung may halo mang bisaya ako mgasalita." Sabi ko na hinihingian na siya ng pasensya. Sana habaan pa niya ang pasensya niya
sa 'kin kahit mukha akong tanga.
"Bakit ka napadpad sa Manila?" Tanong niya sa 'kim. Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil nahihiya talaga ako mag kwento sa katangahan namin ni Gemma na niniwala agad sa scammer.
"Kasi ano po, bossing.. may kumuha po sa'min. Kasama ko po ang kaibigan ko na nag apply at natanggap naman po kami sa babaeng yun. Sabi po niya magbigay lang po kami ng 2k isa-isa ay makakapunta na daw kami ng Manila. Sure na sure daw po. Kaya kahit walang pera ang nanay ko umutang ng 2k at ibinigay po do'n sa babae." Pagpapaliwanag ko sa nangyari saka ako huminga. Ang haba naman ng sinabi ko pero wala man ako magagawa dahil gusto akong makialala ng gwapong lalaki.
"Tapos pati pamasahe ko, bossing.. inutang din ng mama ko para lang makalarga ako ng Manila. Pagdating namin po dito ng kaibigan ko ay wala pong sumundo sa'min. Ang tagal po kami naghintay sa terminal hanggang sa nagutom po yung kaibigan ko kaya ako po ang bumili ng pagkain kasi baka dumating yung babae na kumuha sa'min. Si Gemma kasi nakaka alam ng mukha kaya pumunta po ako do'n sa bilihan pero hindi ko naman po inaasahan na malayo po pala ang bakery sa terminal. Kaya ayon po.. naligaw ako. G samutan pa dahil bigla nalang may lumapit na lalaki sa 'kin ay dinale pa po yung bag ko na 300 lang sana ang laman." Pagkwe-kwento ko sa buhay kong minalas. May balat yata ako sa pwet kaya ako minalas.
"Ganun ba. Ang malas mo naman. Hindi ka lang tanga.. malas pa. Hindi ka ba nag-iisip na baka scam ang babaeng sinasabi mo? Dapat magulat na kayo ng hingian kayo ng pera. Walang ma s-scam, kung walang tanga at marunong alamin ang taong nag pakilala." Sabi ni bossing gwapo na nilait na naman ako.
"Grabe ka naman sa tanga, bossing uy! Minsanan lang din naman ako tanga, bossing. Pero hindi man taga adlaw." (Pero hindi man araw-araw.)
"Tanggapin mo yang sinabi ko. Wala akong pakialam kung masaktan ka dahil yun naman talaga ang totoo." Sabi niya kaya napanguso ako. Maldito gyud!
"Anyway, I'm Thanatos Ruscov. Ako ang magiging boss mo. Marunong ka naman yata maglinis at magluto? Kasi kung hindi pwede ka ng lumabas ng bahay ko at bumalik sa kalsada." Sabi niya na parang tinatakot na naman ako.
"Marunong po ako, sir uy! Sus.. ka sayon. Magaling po ako sa ganyan." Sabi ko ay baka magbago pa ang isip.
"Hindi lang yun ang gagawin mo, Kakai. Maglilinis ka sa loob ay sa labas ng bahay. Maglalaba ka din ng mga damit ko. Ang ibig sabihin lang no'n ay all around ka dito sa bahay ko. But, don't worry. Bibigyan parin kita ng sahod lalo na kapag masipag ka at hindi mo pinasakit ang ulo ko." Mahaba niyang sabi kaya tumango- tango ako.
"Opo, bossing gwapo. Hindi ko po pasasakitin ang ulo mo po. Pangako ko po yan sa'yo." Sabi ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun," sabi niya na para bang nakahinga ng maluwag. Halata man sa itsura ni bossing na labas talaga sa ilong niya ang pagpapatira niya sa 'kin dito. Pero ambot lang gyud niya kasi hindi ko naman alam kung anong dahilan niya kung bakit siya nando'n sa terminal.
Itinaas niya ang isa nyang kamay at para bang may tinuturo sa 'kin. Napasunod naman ang tingin ko sa tinuro niya. "Simula ngayon ay yan na ang magiging kwarto mo. Pwede kang magsimula bukas sa pagiging katulong ko. Sa ngayon.. maligo ka saka ka lumabas ng kwarto mo ulit." Sabi ni bossing Thanatos saka siya naglakad palayo sa 'kin.
Naiwan naman ako na naghinutok (nakatulala) habang nakatitig ako sa likod ni bossimg gwapo. Grabe hindi parin ako makatoo (makapaniwala) na may bossing ako na gwapo. Makakilig mani si bossing uy!
Tumayo na din ako sa kinauupuan ko at sinunod ko ang utos ni bossing Thanatos. Ang pangalan niya ay lalaking-lalaki. Nabagay sa mukha niya dahil ang gwapo naman talaga. Kaya bagay lang sa kanya ang pangalan niya.
Naglakad ako sa tinuro na kwarto no bossing. Nang makarating ako sa pinto ay agad ko binuksan yun. Piste.. mao ni ako pangarap ba na may ganito kaming pintuan sa bahay. Yung bahay kasi namin ay maliit lang. Tapos yung pintuan ay nilipad na bubong ng kapitbahay na ginawa naming pintuan.
Kaya pangarap ko magkaroon ng pinto na ganito. Yung pinipihit pakalia at kanan. Sana magkaroon din ako nito sa bahay namin. Magsusumukap talaga ako magtrabaho para mapaganda ko ang bahay namin.
Sumilip pa ako sa loob ng kwarto at nakita ang isang simpleng kwarto ngunit napaka ganda. Ito na naman kasi ako dahil ito ang pinagdarasal ko na makaranas ako ng ganito ka gandang kwarto.
"Ka gwapa sa ako kwarto uy!" Sabi ko pa habang pinapalibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Kahiy maid ako ay may sarili pala akong kwarto. Ang swerte ko naman talaga sa bossing ko.
Naalala ko na maliligo nga pala ako. May
kinuha akong t'walya pata makaligo na ako. Nang makuha ko na ang twalya ay agad akong naglakad papunta sa banyo para makatilaw na ko og ligo uy. Sa wakas.. makaka lasap na din ako ng malamig na tubig ba.
Nang makapasok ako sa banyo ay talagang namangha ako sa ganda. Hastang banyo ka gwapa na lamang. (Pati banyo talaga ang ganda.)
Habang tinitignan ko muna ang paligid ng banyo ay hindi ko mapigilan ngumiti talaga. Ang ganda naman kasi. Masungit nga lang ang may-ari ng bahay pero okay na 'to uy!
Hinubad ko agad ang saplot sa ako lawas para makaligo na ako. (Hinubad ko agad ang saplot sa katawan ko para makaligo na ako.)
Mabuti nalang at may timba at tabo dito kaya yun ang ginamit ko talaga. Bawat buhos ko ay napapasigaw ako sa sarap. Grabe.. makamingaw (nakakamiss) din pala maligo. Dati ang kaya ko lang na hindi maligo ay dalawang araw. Ngayon lang talaga natagalan maligo kaya sobrang baho na gyud ko.
Nag sabon na ako sa katawan ko at pasalamat na lamang ako na may sabon dito. Para akong nakahinga ng maluwag dahil sa nakaligo na talaga ako. Ang sarap maligo.
Nang matapos ako ay kinuha ko lang ang t'walya at itinapis ko lang sa katawan ko. Og sa dihang may naalala ako bigla. Wala nga pala akong pamalit na damit. Alangan naman mag t'walya lang ako.. murag na boang.
Hindi ko alam kung may su-suotin ako pero bahala na. Lumabas na lang ako sa banyo at agad nakita ang damit at short na nakapatong sa kama. Kanina wala man yun kaya nagtaka ako.
Lumapit ako sa kama at nakitang tshirt pala yun na malaki ba. Payat pa naman ako kaya maluwag talaga sa 'kin. Pero okay na ni uy kaysa wala akong maisuot.
Nag-ilis agad ako at pati ang short ay sinuot ko kahit wala akong suot na panty. Di bitaw mahibaw-an na wala akong suot na panty kaya ayos lang siguro 'to. (Hindi naman malalaman na wala akong suot na panty kaya ayos lang siguro 'to.)
Pinunasan ko lang muna ang buhok ko para matapos na ako. Sabi kasi ni bossing Thanatos ay lumabas ako pagkatapos ko maligo.
Kailangan ko na talaga matuto mag tagalog. Kung pwede nga lang hindi mag balintong-balintong ang bisaya at tagalog ko. Nagustuhan ko ang kwarto pati na ang banyo ba kaya hindi ako mo sugot (hindi ako papayag) na palayasin ako dito ni bossing Thanatos.
Yun naman kasi ang sinabu niya eh, bawal lang daw ako mag bisaya kaya su-sundin ko nalang yun kaysa mapalayas ako dito. Ayaw ko na bumalik sa kalsada kaya dito nalang ako.