Chapter 51 Kakai’s Pov HINILA ako ni bossing Thanatos papunta sa kotse niya at wala na akong nagawa. Gusto ko sanang hilain ang kamay ko ngunit ayaw naman niyang bitawan. Ang higpit pa ng pagkakahawak niya kaya halatang galit talaga siya. Siya pa may ganang magalit kahit siya na nga ang naninira ng kotse ni sir Jonas. Naawa tuloy ako sa kotse dahil wasak na nga sa likod, nasira pa ang pintuan ng passenger seat. Hindi ko alam kung abnoy lang ba si bossing Thanatos talaga. Pinagbuksan ako ni bossing Thanatos ng pintuan ng passenger seat at ang walanghiya ay tinulak niya ako papasok. “Ano na naman bang problema mo, bossing?” Tanong ko dahil para talaga siyang abnoy Hindi nagsalita si bossing at bigla nalang niyanga isinara ang pinto. Nagulat ako dahil ang lakas no’n. Yung utak talaga

