[MELLO IXEN’S P.O.V.] ‘Our VIPs are found dead in some places of Elysian!’ Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko na mensahe ni Dexter. Nananaginip ba ako ngayon? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Agad kong tinatawagan si Dexter para makumpirma kung totoo talaga ang nabasa ko na ‘yon. Mabilis naman niyang sinagot ang tawag ko. “Dexter! What the fvck is going right now? Anong ibig mong sabihin sa mensahe mo sa akin?” [“Bakit ngayon ka lang nagising?! Pumunta ka na rito ngayon sa M.O!”] Bakas sa boses ni Dexter na may hindi nga maganda na nangyari. Naguguluhan na ako ngayon. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mensahe niya o hindi. “Tell me what happened first before I go there,” sambit ko pa. [“I can’t explain to you right now! Masiyadong magulo rito ngayon sa M.O. Kaya

