CHAPTER 2: Pitaka mo

1364 Words
"Gusto mo ng kape?" tanong ko sa kasama ko rito sa apartment, pinakilala sa akin ni Ainsley kagabi. "U-uh, hindi na. Ang aga mo pala magising." Nakangiting sambit ni Sachi, ang iba pa naming kasama ay tulog pa. Alas singko pa lang ng umaga. "Ganito kasi sa probinsiya namin," nakangiti kong sagot sa kaniya. Pumasok na siya sa cr dahil maaga pala ang pasok niya. Habang nagkakape ako, naisipan kong magwalis sa labas dahil i-ilan lang ang nakikita kong tao. Hindi pa rin pala talaga ako sanay, ganitong oras sa probinsiya namin, halos lahat ay gising na. Puro matatanda pa lang ang nakikita, nagwawalis din sila. Ang isa naman ay nakatingin sa akin, tinitignan ang kabuuan ko. Hindi ko namalayan na sa gilid ko na pala. "Magandang umaga po!" magalang kong bati. "Bago ka ba rito?" nakangiti niyang tanong sa 'kin. "A-ah, Opo. Kayo po ba?" "Oo naman, dalaga pa lang ako rito. Na- tsismis pa kita." Tawa ni Nanay, wala na pala siyang ngipin. "Ako si Nanay Nida" Pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. "Bella na lang po ang tawag niyo sa 'kin, Nay," tugon ko sa kaniya. Tinapos ko na ang pagwawalis nang umalis na ang matanda. Pumasok na rin ako sa loob para i-handa ang susuotin ko, mag-aaply agad ako. Libre na kasi ni Ainsley ang upa ko para sa unang buwan. "Mag-ingat ka pala sa mga nakakausap mo rito, ha?" paalala sa akin ni Vana, gising na rin pala. "Hindi mo alam ang intensiyon nila sa 'yo lalo na halata sa mukha mo ang pagiging inosente." "Tatandaan ko 'yan, Salamat." Wala naman akong problema sa mga kasama ko rito dahil mababait sila, ngunit, hindi ko pa nakikita ang isa dahil hindi ko siya naabutan kagabi. Wala akong magandang damit kaya simple lang ang sinuot ko, kulay puting damit at denim na pantalon, pinarisan ko na lang ng puti kong sapatos. Ilang oras pa ang hinintay ko bago maligo, gripo pala ang ginagamit dito. Sa lugar namin poso lang. "Oh, may bago pala tayong kasama. Nasingil n'yo na ba sa ambag 'yan?" mataray na tanong ng babae, humihigop ng kung ano sa lamesa. "Gaga ka talaga, Taina! Kasama ni Ainsley 'yan," si Sachi kaya tinignan naman ni Taina ang kabuuan ko. Yumuko lang ako dahil nararamdaman ko pa rin ang titig niya. Ang ayos nila manamit, mga sexy manamit at magaganda sila, walang-wala sa ayos ko. "Hoy, Taina! Tinatakot mo kaibigan ko." Nagulat ako sa boses ni Ainsley, lumabas sa kwarto namin. "Be, 'wag ka maniwala sa mga 'yan. Ganito lang ang bunganga ko pero hindi kita inaaway," sambit niya sa malakas na boses. "Ako pala si Bella." Nahihiya kong pagpapakilala sa sarili ko. "Ang panget mo naman manamit. Wala ka sa probinsiya, Ineng," walang preno niyang sinabi sa akin. Mas lalo tuloy akong nahiya sa suot ko. Hindi naman kasi talaga ako palaayos at kung ano lang ang masuot ko, ayon lang talaga. Iba talaga rito sa Manila kasi mapoporma sila. "Ganiyan talaga 'yan magsalita, kaya masanay ka na." Lumabas sa isang silid si Vana. "Magkakapatid na ang turingan natin dito, kaya concern ako r'yan sa pananamit mo tapos mag-a-apply ka pa. Ang ganda mo hindi bagay sa porma mo," ani ni Taina. Hindi man ako sanay sa suotan nila, pinahiram ako ni Sachi ng mga dress niya, para raw pormal kapag mag-aapply ako. Si Ainsley naman ay inaayusan ako. "Mabait 'yun si Taina at saka walang preno ang bibig. Sana hindi ka ma- offend sa pinagsasabi ng babae na 'yun," paliwanag sa 'kin ni Ainsley. "Ayos lang 'yon. Ginagabayan n'yo lang naman ako dahil bago lang ako rito," paninigurado ko. Kinukulot na niya ang baba ng mahaba kong buhok, naglagay rin siya ng kulay sa labi ko. Hindi ko itatanggi na parang hindi ako yung na sa salamin. "Oh, diba! Mas lalo kang gumanda," kinurot ni Ainsley ang tagiliran ko. "Salamat talaga, hindi naman kasi ako mahilig mag- ayos," paulit- ulit kong pasasalamat. "Tingnan mo, mas lalong lumabas ang ganda mo." Pumalakpak pa si Taina nang makita ako. "Salamat sa inyo... Sachi, lalabhan ko na lang 'tong dress mo." Niliko ko ang ulo kay Sachi. "Hindi na, sa 'yo na iyan. Mas bagay pa sa 'yo." Kalaunan, isa-isa na silang umalis. Magpapasama sana ako kay Ainsley mag- apply pero hindi ko naman kaya bayaran yung araw niya, kaya ako na lang mag-isa para na rin masanay ako rito sa Manila. Tanda ko pa naman ang sinakyan at dinaanan namin. "Sigurado ka ba na kaya mo ng mag-isa?" tanong ulit ni Ainsley. "Tinuod gani 'ko, salamat sa 'yo," sabi ko sa linggwaheng bisaya na ang ibig- sabihin ay sigurado. "Mag-ayo pud ka sa trabaho mo," sa tagalog ay mag- ingat ka. Lumabas na rin ako pagtapos kong mag- hugas ng nga ginamit namin. Ako na rin ang nag-lock kahit hindi ko pa gaano alam. Ang lakas ng loob kong magpahuli, pero sa totoo lang kinakabahan ako, baka kung saan ako mapadpad. "'Te, pwede ka ba raw ligawan?" ani ng lalaki sa may kanto. "Pst!" Hindi ko na lang pinansin ang mga sigaw ng na sa paligid ko, nan-ttrip lang naman ang mga 'yon. Binilisan ko na lang ang lakad ko at sumakay na sa traysikel at nag-taxi lang papunta sa Makati. Na-realize ko na malayo pala iyon sa binababaan ko. Isang libo at isang-daan na lang ang pera ko. Kaya pa kaya 'to? "Salamat po, kuya," saad ko sa drayber bago i-abot ang bayad. Hinawakan ko nang mahigpit yung envelope na hawak ko, tumawid ako para puntahan yung malaking building, nagbabakasali baka naghahanap sila ng aplikante. Masyado akong nalulula sa mga malalaking gusali na nakapalibot sa akin. Naalala ko ang sinabi ni David na mag- picture raw ako kaya pinicturan ko ang mga gusali, nag-picture rin ako para ma-send ko sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kaya kahit saan ay pumapasok ako na parang bata dahil sa sobrang mangha. "Kuya, hiring po ba kayo?" tanong ko sa gwardiya. "Nako, iha! Cut-off na kahapon pa. Na-late ka," sagot sa akin nito kaya pumunta ulit ako sa isa pang gusali pagtapos mag-pasalamat. Hindi ako nakapagdala ng payong kaya na sa gitna ako ng init ngayon, nakasuot pa naman ako ng damit na kita ang balikat. "Good morning po, hiring po kayo?" tanong ko uli. "Hindi," maikling sagot sa 'kin ng babae. Kanina pa ako nag-iikot dito ngunit wala ng tumatanggap ng mga aplikante, wala na raw silang bakanteng posisyon na trabaho. Mag- tatanghali na kaya nagugutom na ako. Naisipan ko na mag-pahinga muna sa gilid ng kalsada, yung mga dumadaan dito nakasuot ng maayos, halatang mga mayayaman. Sakto pala at naayusan ako nina Ainsley hindi ako napaghahalataang pulubi. May isang matangkad na lalaki na dumaan sa likod ko, nakasuot siya ng itim na tuxedo at may suot pa na salamin habang may kausap sa mamahalin niyang cellphone, kaya tumalikod ako baka isipin niya ay magnanakaw ako. "Yes, babe. Later," rinig kong sambit nito sa isang baritonong boses. Sinundan ko siya nang tingin at napatingin sa nahulog niyang pitaka. Bukod sa makapal ang laman nito, mukhang mamahalin pa. Tumayo agad ako para habulin siya at pinulot ito. "Kuya," pagtawag ko. Lumingon siya sa 'kin kasabay nang paghubad niya sa kaniyang salamin ang mga mata ay halong kayumanggi na mas kumulay pa dahil sa sinag ng araw. Ang panga ay nabagay sa depina ng kaniyang mukha, matangos ang ilong at ang labi na nagmumukha na ang lakas ng dating. "Hey!" binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "U-uh, nahulog niyo po kasi ang wallet niyo." Iniyuko ko ang aking ulo. "Thanks, lady!" ngisi niya na akala ata ay nakikipagbiruan ako. "What do you want? You want... to have lunch with me?" tanong niya. Naalala ko ang sinabi ni Sachi, at saka sa mukha pa lang ng lalaking ito ay parang may gagawing kalokohan, pogi siya na babaero sa aking paningin. "Hindi na po. Uuwi na po ako," sambit ko, nakayuko. "Have a ride with me, then. I owe you a lot for bringing my wallet so fast," binigyan pa niya ako ng isang kindat na nakakaloko pero hindi nawawala roon ang kagandahan ng kaniyang mukha. "Hindi kita kilala," direkta kong sagot sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD