~♥~
*Gasp*
cough! cough! cough!
*GASP!*
cough! cough! cough!
Parang isang nalulunod na gumising ang isang babaeng puno ng tubo ang katawan na tumutulong sa kanyang makahinga hanggang ngayon...ang babae ay comatose ng mahigit isang taon...at ang mga nakakabit lang na tubo ang nagpapanatili nang kanyang buhay..
Agad naalerto ang isang nurse na nagbabantay sa babae...agad nyang binigyan ng tawag ang mga doctor para magpunta ng madali sa kinarororonan ng babae...
cough! cough!
"Wa..te...r" mahinang saad ng babae, subrang sakit ng ulo't katawan ang kanyang nararamdaman...wala rin syang makita, napakalabo ng kanyang paningin...subrang uhaw din ang nararamdaman nya sa mga oras na ito na parang hindi sya uminom ng napakatagal na araw...
Hindi nagtagal ay dumating narin ang mga doctor, at sinuri ang katawan nya, hindi sya makapagisip ng tuwid, walang lakas ang boung katawan nya naparang nawalan sya ng buto...ito ang unang pagkakataon na naramdaman nya na walang wala syang lakas...
----------
Paglalipas ng araw, medyo nagkaroon na sya ng kunting kakayahang igalaw ang katawan nya...pero hindi pa masyadong malakas upang makapaglakad ng maayos...
*Bang*
Napalipat ang tingin nya nang bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan siya, halata na pinuwersa itong buksan...doon nakita nya ang isang maiyak-iyak nang babae...nabitawan din nito ang dala-dalang bag...
"L-L-Lette..?....g-gising ka na nga..*sob*...sa..sa wakas, g-gising ka na" pagkalito ang bumalot sa kanya...hindi familiar sa kanya ang babae, ni hindi nya ito nakita sa boung buhay nya...
Medyo mataba ito, maikli din ang buhok nito at kita mo na ang pagtanda ng katawan nito...
Magsasalita na sana sya ng biglang kumirot ang ulo nya, subrang sakit ang naramdaman nya...na hindi na nya maimulat ang mata, napahawak sya sa ulo dahil dito...
"L-Lette?...ma-may masakit ba?..anong nagyayari sayo?..Doc!...Doctor!!"
Bago sya mawalan ng malay isang salita ang lumabas sa labi nya...
"Y..yaya"
........
Paggising nya, mayroon na syang memorya ng babaeng hindi nya kilala...puro katanungan ang nasa isip nya, pero kahit isang sagot ay wala syang mahanap...napakaraming walang sagot na tanong ang umiikot sa isipan nya ngayon...
Ang naalala nya ay siya si Tenten, namatay sya dahil sa pagsabog ng Caramel Hotel...tapos paggising nya, nasa hospital sya at nasa katawan ng isang babae, kasama narin ang memorya nito...
"Lette!...okay ka na ba? May masakit ba sayo?...wait lang tawagin ko lang ang doctor mo, sandali lang ako, okay? Wait lang" saad ng babaeng nakita nya bago sya mawalan ng malay....
Ang babaeng iyun ay ang nag-alaga sa dating may-ari ng katawan nya simula nang mamatay ang Ina nya...ang tumayong pangalawa nyang Ina, ang kanyang Yaya.
Mukha ring malapit ito sa dating mayari ng katawan...pero kahit anong lapit ng loob nito sa dating mayari, si Tenten na ang nasa loob nito.
Hindi parin sya makapaniwala na nabuhay syang muli at napunta sa katawan ng babae...mukha ring nasa Pilipinas parin naman siya...pero napakaganda ng batang babae, maputi ang balat nito, matangos ang ilong...hindi kita sa mukha nito ang pagiging Filipina...parang may dugong banyaga ito...
Kahit maraming tanong, pinabayaan na muna nya ito sa ngayon...dahil anong maitutulong kung masyado syang mag-iisip, kung wala rin naman syang mahahanap na sagot.
---------------
After a few month, they finally discharged her, pero may mga therapy parin na gagawin sa kanya kahit wala na sya sa hospital...
May sumundo sa kanilang kotse, na nagdala sa kanila sa isang hotel kung nasaan ang kanyang condo...simula nang magsimulang magaral ng college si Lette umalis na sya sa Main House at bumili ng sariling condo gamit ang pera ng ama...mag-isa lang sya ditong naninirahan, at pumupunta lang ang Yaya Rita nya paminsan-minsan para ipagluto siya...
"Alam mo bang muntikan na akong mahimatay nang malamang naaksidente ka?...alalang-alala ako sayong bata ka!..tapos nakita ko pa ang mga tubo na nakakabit sa katawan mo na mas lalong nagpahina sa akin, paano kong hindi ka na gumising? paano kong tuluyan ka nang bawiin sa akin?...sa araw-araw na pagbisita ko, wala akong hiling kundi ang imulat mo ang mga mata mo!----"
Sermon sa kanya ng Yaya nang makarating sila sa condo...hindi naman nya ito masisisi, subrang pinag-alala ng dating Lette ito...
"Nanay, Okay na ako...at pasensya na't pinag-alala kita, hindi na ito mauulit pangako" sincere na saad nya dito, pero hindi natapos ang sermon nito sa kanya kaya ilang oras syang nagtiis na makinig dito...
Hanggang sa hapagkainan ay nagdadadakdak ito sa kanya, wala na syang nagawa kundi ang manahimik nalang..hindi rin naman nya alam ang sasabihin kung magsasalita siya.
Nang matapos sa pagkain, doon lang nya napagmasdan ang boung condo, napakalaki nito at napakalinis, parang bahay narin itong tingnan, may tatlo itong kwarto, isa para sa kanya, yung isa ay guest room na ginamit lang ngayon ng Nay Rita nya, at yung isa ay isang computer room dahil isang blogger ang dating Lette.
Medyo mataas din sila kaya kitang-kita nya ang maliwanag na City sa ibaba...huli nya itong nakita ay sa rooftop ng Caramel Hotel...
17 years na ang nakakalipas simula ng mangyari ang aksidenteng iyun, 17 years narin simula nang mamatay siya kasama ng pagsabog sa Caramel Hotel...
Namatay siya at binigyan uli ng pagkakataon na mabuhay, ito ang pinakamahirap na stage, babalik ba sya sa dati nyang buhay? at ipagpatuloy ang ginagawa? O mabuhay ng tahimik bilang si Nicolette, malayo sa dati nyang buhay na puno ng sakit at paghihiganti...
Isa iyung dream came true, yung mabuhay ng tahimik...nakailang hiling ba siya dati nang magandang buhay? Hindi na nya mabilang kung ilang beses na...pero ngayon, natupad na, binigyan sya ng pangalawang pagkakataon na mabuhay, kung permanente man o hindi...
She's afraid.
Ang mabuhay ng tahimik, ay isa lamang pangarap nung nabubuhay pa sya bilang si Tenten...kailan man ay hindi iyun magkakatotoo hanggang nabubuhay sya sa mundong ito....pero ngayon, at nasa ibang katauhan na sya, ano bang tamang desisyon?
"Lette?..nakikinig kaba?" naalis ang atensyon nya sa iniisip nang bigla syang tapikin ng kunti ni Yaya Rita sa braso..
Ngumiti nalang sya dito bilang tugon.
"Ang mabuti pa ay magpahinga ka nalang muna ngayon, alam kong hindi pa maayos ang katawan mo...isa pa, kailangan mong bumisita sa Mansion bukas..." kita sa mukha ng matanda ang inis sa huling sinabi, alam na alam nya ang treatment na nakukuha ng alaga sa loob ng bahay nayun...simula nang dumating si Lette sa bahay na iyun puro pagdurusa na ang naranasan niya...kaya hindi nya ito masisisi nang magsimula itong magrebelde at gawin ang mga ginagawa nito ngayon.
"Good night Nay"
"Good night Lette"
Nang makapagpaalam sa matanda, dumerecho si Lette sa sariling kwarto, ito ang unang beses para sa kanya ang pagpasok sa kwarto, kahit naglalabas-pasok dito ang dating Nicolette..hindi tulad ng sa sala na plain white lang ang kulay, ang kwarto nya ay puno ng kulay pink...
As in lahat-lahat ay kulay pink...medyo napaawang pa ang labi ni Lette nang makita sa sariling mata ang kwarto, kahit na inaasahan na nya iyun...
Wala namang masama sa kulay pink, kaso nasanay siya sa black and white lang na kulay sa kanyang bahay sa dating buhay nya...
nahilot nalang nya ang noo dahil dito, ...napunta ang pansin nya sa isang walk-in closet na nasa gilid ng kwarto...
At nang buksan nya ito, sa pangalawang pagkakataon na-speechless nanaman siya sa mga damit na nandoon...isinara nalang nya uli ang closet at inihiga ang katawan sa isang king size bed na nandoon...
"Bukas nalang natin problemahin ang mga problema ngayong araw."
Napagdesisyunan nalang nya na ipabukas nalang lahat...hindi ito ang unang pagkakataon na kinatamaran nya ang problemang nasa harapan nya...na mas dadami pa kinabukasan, pero syempre hindi nya yun alam.