Nagising ang dalaga sa sinag ng araw at sa lamig ng kuwarto dahil sa air conditioner nito, pagbukas ng mata niya hindi ang katulad na beige ceiling ang sumalubong, kundi ang napaka linis at puti nitong dingding.
Tinitigan niya lang ito ng ilang segundo pero nang napagtanto na niya na hindi niya ito kuwarto, napabangon siya agad at napahawak sa ulo habang tinitingnan ang paligid niya "What the f**k?" she whispered while looking at herself wearing an oversize black shirt and underwear.
"Ano nangyari kahapon?" she said, petrified while recalling the events of what happened yesterday. Nanlaki nalang ang mata niya ng biglang nagpop ang mukha ni Yuan sa utak niya.
Tumayo na siya agad sa higaan at kinuha ang mga damit na nakita niya sa couch na nasa harapan ng higaan, pagkatapos no'n kinuha niya rin ang cellphone niya sa bedside drawer at binuksan.
30 missed calls from Pietro
"f**k" she cursed lowly, sinuot na niya ang pants niya at ang sandals bago dumiretso sa pintuan.
Hindi na nagsayang ng oras ang dalaga na hanapin si Yuan dahil una, nahihiya siya sa ginawa niya kahapon. Pangalawa, hinahanap na siya ng boyfriend niya at pangatlo may trabaho pa siya. Kaya agaran na rin siyang lumabas sa kuwarto at dumiretso sa elevator.
Paglabas niya sa gusali nagpara siya agad ng taxi, pagtigil nito sa harap niya sumakay na siya at binigay ang address ng bahay.
'Ano 'to, walk of shame?' she thought while resting her head on her hands
"Wala naman nangyari sa'min kahapon 'di ba?" tanong ng dalaga sa sarili bago magbuntong hininga.
Biglang tumunog ang telepono ni Tellé at kaagad niya itong sinagot "Hello"
"You little slut, where were you? Alam mo ba na nakita ka ng tropa ko kahapon na may kasamang lalaki" Pietro said in the other line, he scoffed before talking again "Ano nalang sasabihin nila, na p****k ang girlfriend ko?"
Hindi na nakapagsalita si Tellé dahil sa sunod-sunod na binabanggit ni Pietro sa telepono "Wow, 'di ba dapat ako magsabi niyan? I caught you yesterday with a woman, Pietro" she said calmly
Hindi nagsalita si Pietro ng ilang segundo, pero nagbuntong hininga ito bago magsalita "Just come home, i'll wait for you here" he said before ending the call.
Pagdating ng dalaga sa bahay huminga siya ng malalim bago pumasok, paglakad niya papasok nakatayo na si Pietro sa gitna ng living room nagiintay sa kaniya.
Once she closed the door, Pietro walked up at her while his arms is crossed in front of his chest "Where were you last night?" he asked, calmly
"I was at the bar" Tellé said while looking at him straight in the eyes, he scoffed before talking
"To get laid? Halata naman, tingnan mo suot mo. For f**k sake Tellé, you have a boyfriend" sabi ng binata, pataas ng pataas ang boses
"You're the reason kung bakit ako nasa bar kahapon. I saw you with a woman, explain that to me" she said calmly
Napawi ang galit sa mukha ng binata at tiningnan lang sa mata si Tellé "She's just a friend, kakauwi niya lang mula sa South Korea. Need niya ng katulong maghanap ng titirahan dito" he said softly, magsasalita pa sana ang dalaga but Pietro touched her cheek and caressed it.
"I'm sorry for giving you the wrong impression" Tellé looked at him in the eyes, finding if he's lying or not.
Wala pang ilang segundo tinanggap na ng dalaga ang mainit nitong palad, but something inside her is telling to ask kung kaibigan niya talaga 'yon.
Maybe it is really his friend, after all Pietro is a popular guy back in high school.
"Don't go around talking with guys, are we clear?" he said raising his brow, magsasalita na sana ang dalaga para umayaw sa sinabi ni Pietro pero bigla siyang niyakap.
"After work, let's have a date" palusot ng binata para ahindi niya marinig ang sagot ni Tellé, tumango nalang ang dalaga bago humiwalay sa yakap.
Nagpaalam na si Tellé para maligo dahil kailangan na niya umunta sa trabaho niya, pagakyat niya napangisi nalang ang binata bago maupo sa sofa "So naive" he smirked before bringing his phone out.
Abala si Yuan sa mga gawain sa loob ng ospital, simula ng ibigay ng tatay niya ang lahat ng ari-arian naging abala na siya, minsan lilipad pa siya papuntang America at Japan para manavigate ang ospital nila doon. It's a tough job and position but it's making him happy, dahil siguro ito ang pangarap niya nung bata pa siya.
Biglang tumunog ang telepono ng binata at sinagot niya ito ng hindi tumitingin sa pangalan ng caller "Yuan speaking" he said while reading the paper he's holding "Yuan baby" the girl from the other line called out, napatigil sa paglalakad ang binata at tiningnan ang pangalan ng caller.
He rolled his eyes before talking "s**t Nicolette, pinaglihi ka ba sa boomerang? Kahit anong hagis ko sa'yo paalis balik ka ng balik e" naiirita na sabi ni Yuan
"That's harsh, i just want to talk to you" she said softly
"I'll block your number, bye" he said but before he could end the call nagsalita ulit ang dalaga, Yuan didn't end the call because he want to know what she's going to say, 'cause after all, her desperation is a bit entertaining.
"I'll die Yuan, don't leave me" she pleaded, napatawa ng bahagya ang binata bago magsalita.
"Then die, i'll send the casket later. Abangan mo nalang, may bulaklak at sky flakes pa akong idadag-dag" he said before ending the call.
Bumalik na sa pagtratrabaho ang binata, pero kanina pa gumugulo sa isipan niya si Telle, lumabas lang siya panandalian sa kuwarto niya pagbalik niya wala na sa higaan ang dalaga.
"A simple thank you note would've been nice, halos ako rin naglinis sa kaniya kagabi, nakapatay pa ang ilaw nung pinalitan ko ng damit" he whispered
Pagpasok niya sa elevator sinandal niya ang likod niya dito at inayos ang bun ng buhok, halos ilang buwan niya rin pinahaba ang buhok niya. Halos paulit-ulit nalang kasi ang itsura ng buhok niya simula ng pagdating niya sa Pilipinas, kaya napagdesisyunan niya na magpahaba ng buhok.
Hanggang ibabaw ng balikat lang ang haba ng buhok niya, and sakto lang sa panlasa niya dahil bumagay ito sa clothing style at itsura niya.
Pagdating ng elevator sa top floor, kalmado siyang pumasok dito. His secretary bows in 90 degrees when he saw Yuan walking out of the elevator "Good Morning, Mr. Alexander" bati ni Kaito.
Yuan smiled before talking "Good Morning too"
"And please just call me Yuan, halos pamilya na rin kita" natatawa nitong sabi
Matagal ng nagtratrabaho si Kaito sa mga Alexander, simula nung sinisimulan pa ng tatay ni Yuan ang business at ang ospital dito sa Pilipinas. Matanda na ito pero pagdating sa itsura ni Kaito ay hindi tutugma ang edad niya.
"Kaito, i need you to do something for me" he said while looking at the huge windows in front of him "Ano 'yon" Kaito said politely
"Can you investigate Donatellé Trinidad?" he said while opening the box Kaito bought earlier
"That girl again huh? Ilang taon mo na siya minaman-manan pero hindi mo sinusunggab ang pagkakataon na kausapin siya ng harapan" Kaito said
"I did grab that chance, nasaktan lang ako." Yuan whispered "With all due respect, but why ask for that request again? Ilang taon na rin nakalipas nung huli mong hiningi sa'kin 'yan" his secretary asked while raising an eyebrow.
Yuan admired the chocolate cake in front of him while smiling before talking again "Mukhang hindi na kasi chocolate cake ang magdadala ng tamis at saya sa buhay ko. Kaya gusto ko sunggaban ang pagkakataon na 'yon bago pa sayangin ng iba" he said softly, napangiti nalang si Kaito bago talikurang ang binata.
"I'll be leaving now" Kaito bid his goodbye before entering the elevator.
Paglabas ng secretarya niya sinubo niya ang chocolate cake na nakuha ng tinidor na hawak-hawak niya "Hindi na siya matamis" Yuan said before sighing.