Pagmulat ng mata ni Tellé ang una niyang nakita ay ang binata na nakaupo sa upuan sa gilid ng higaan at natutulog sa gilid niya. Nung una naguluhan siya kung bakit nasa tabi niya si Yuan pero nung pinagmasdan na niya ang kuwarto doon niya lang napagtanto na wala siya sa 7-11. Bumangon dahan-dahan si Tellé sinusubukan 'di magising ang natutulog na binata ngunit pumalpak ito ng biglang nagising si Yuan at nakita siyang gising na. "Kamusta na pisngi mo?" he huskily asked "Ano ginagawa ko dito" she asked ignoring his question "Nakita kita sa 7-11 lahapon, dinala na kita dito dahil gusto ko asikasuhin yung pisngi mo tsaka delikado kung iiwan kita magisa do'n" he explained, tumango nalang si Tellé at umalis na sa higaan at inayos na ang damit. Napatayo nalang rin si Yuan at pinagmasdan ang

