Noah's pov
Isang linggo nalang at deadline na ng research namin kaya naisipan namin na mag overnight na kela lucas dahil wala parin talaga kaming naumpisahan kahit chapter 1.
"Noah gusto mo sumabay papunta sa bahay nila Lucas?"
"Wag na mag cocomute nalng ako, malapit lang naman eh"
"eh sayang namn pinunta ko sa bahay nyo kung di ka sasabay?"
kaya tumingin ako sa labas para siguraduhin yung sinabi ni khai , dahil baka nagbibiro lang sya. nagulat ako dahil nasa labas nga sya at may dala pang sport car, halatang mayaman sya.
"sige na sasabay na hintayin moko bumaba, wag kang papasok"
ngunit ang kulit nga naman ni khai dahil pumasok at nakipag usap pa kay mama.
"oh ayan na pala si noah."
"ma, pupunta nako kela lucas baka duon ako matulog"
"ingatan mo anak ko ah"
"Ma naman kaya kona sarili ko"
"ako na po bahala sa anak nyo tita, aalagan kopo , namin pala po"
"tara na nga! ma alis na kami"
nung nakalabas na kami mula sa bahay namin ay pabulong akong nagsalita.
"sabi nang wag na pumasok eh, andami dami lang sinasabi"
" may sinasabi kaba?"
"wala"
tas nagulat ako dahil binuksan ni khai yung pinto ng car nya para sakin pero dahil pa bebe ako sa ibang pinto ako pumasok.
Naubos ang oras nang nasa loob ng kotse na hindi ko sya kinakausap , at puro sya salita.
nang nakarating na kami sa bahay ni lucas ay nabigla ako sa ganda ng bahay nila lucas, sinalu bong rin kami ni lucas sa labas. pagkatapos nun ay aakmang kukuhanin nya yung bitbit kong bag pero pinigilan ko kaso di rin sya nagpatalo kaya binuhat na nya yung bag ko , habang si khai ay nakatingen lang sa amin. habang papasok kami ay naguusap kami ni lucas , at si khai namn ay nakatingen lng sa amin.
"grabe ang ganda pala ng bahay nyo Lucas, sino kasama mo dito?"
"for now wala akong kasama umalis si mom eh kasama yung kapatid kong bunso".
"eh yung papa mo?"
"nasa France, actually broken family kami kasi may ibang asawa si dad sa france"
"so ikaw pala panganay"
"hindi ah middle child ako , yung younger sister ko ay kasama ni dad at yung bago nyang nanay at kapatid sa france duon sya nag wowork"
" ahh kami namn eh…"
naputol na usapan namin dahil pumagitna samin si khai at nagsalita na parang inis na inis na.
"ano ba ambagal nyo namn maglakad, kwentuhan pa kasi ng kwentuhan"
nauna na ngang sala si khai at sumunod nalng kami sa kanya.
"ano mag start na tayo?"
"start agad wala bang pagkain jan lucas bago tau mag start nagutom ako sa byahe"
"Meron naman nagluto ako ng carbonara then may ice cream sa loob bumili ako kanina"
"anong flavor Lucas"
"sempre yung favorite ni noah yung Black Forest"
"alam na alam mo yung favorite kong flavor ng ice cream?" at napatawa ako.
"tama na nga yang daldalan nayan , kung ayaw nyo kumain kakain nako."
"Oo eto na khai gutom na gutom ah , kuhanin ko lang"
khai's pov
ano to lucas, si noah nilagyan mo yung pinggan nya, tas ako hindi may favoritism ka namn pala eh , mukhang gusto nya rin si noah, may kaagaw pa talaga ako.
nakita ko na susubuan ni lucas si noah kaya naisip ko na magkunwari na nasamid.
"ayos ka lang ba?"
"okay lang ako"
tas nung si Noah yung nasamid , kinuha nya ng tubig , nalalamangan nako neto kailangan kona gumalaw.
Noah's pov
inumpisahan na nga namin yung research namin, kaso napapansin ko sa dalawang kasama ko na hindi parin sila ayos, ano ba kasi yung problema nila nagaaway ba sila dahil sakin, Hindi namn sana.
ambilis ng oras at maggagabi na , nasa chapter 3 na kami at konti nalng ay matatapos na kami , patapos na sana kami sa chapter 3 kaso biglang nag blackout.
"Noah ayos ka lang ba?"
"ayos lang naman ako Lucas ikaw ba?"
"ayos lang namn din Nasaan kaba?"
"wahhh"
bigla akong natumba kung kanino , at nung bumalik na yung kuryente ay natumba pala kami ni lucas at nakita ni khai na nakapatong ako kay Lucas.
"ano bang ginagawa nyo, inuuna yung research hindi yung landian ah "
tas biglang nag walk out si khai, ano kaya problema nun , lagi kona syang napapansin na ganun, may problema kaya sya?.
Khai's pov
kabadtrip namn oh , kumuha lang ako ng ice cream tas pagkarating ko magkapatong na sila , wala ba talaga akong pagasa kay noah , ansakit mo namn mahalin , pero siguro karma kona to dahil sa daming babae na pinag laruan , kaso isang noah lang pala ang magpapatiklop sakin. pagkatapos ko mag pahangin ay pumasok narin ako para pag patuloy yung research namin.
Noah's pov
11:30 na nang gabi at di parin kami tapos , nasa chapter 4 palang kami , hanggang chapter 6 to, kaya naisipan ko na ako nalang gumawa dahil late narin atsaka nasa part nako ng statistics and probability, ako lang namn nakakagets nun dahil favor ko yung math subject. habang inumpisahan kona yung chapter 5 ay diko namalayan na napipikit ako , at pagkagising ko ay umaga na , ngunit diba nakaupo ako kagabi , bat nakahiga ako ngayon at may kumot? siguro si Lucas nagbigay neto , alangan naman si khai eh tanging alam lang nun ay saktan ako , at nangbubuklatin kona yung bag ko para magtoothbrush ay may nakita akong tobleron, at may nakasulat na "good luck, nandito ako palagi". sempre si Lucas nayun ngunit nilihim ko muna to.
"oh bago kayo umuwi mag breakfast muna kayo rito?"
"tara , noah kain muna tayo"
"noah, sino kasabay mo umuwi , gusto mo ba hatid na kita sa bahay nyo?"
"hindi okay lang mag cocom…"
biglang sumingit si khai
"sasaby nalang sakin si noah".
mahirap nga namn nag commute , atsaka nakakahiya naman na nag overnight na nga kami sa bahay nila Lucas tas ihahatid pa nya ako. kaya no choice ako.
"bago kayo umuwi , kain muna kayo ice cream"
"bago ka pala umuwi noah may bibigay ako sayo"
binigyan ako ni lucas ng isang nakabalot , nang binuksan ko na at nakita ko na may chocolate ulit at may mukha ng idol ko .
"ano bayan Lucas baka sumakit ngilin ko dahil sa daming mong binigay na chocolate"
"huh? isa lang chocolate binigay ko"
"eh kanino yung tobleron sa bag ko?"
tumingin ako kay khai ngunit patuloy lang sya kumain , ngunit di namn siguro ako bibigyan ng chocolate ni khai.
"ano ba ,bilisan nyo may pasok pa tayo oh."
"Opo eto na , hadaling hadali?"
"btw natapos mo ba yung chapter 4 noah?"
"Oo kaso chapter 4 lang , nakatulog na ata ako sa nung nagumpisa ako ng chapter 5"
"naks ang galing talaga ni noah , dahil nyan sayo nalng yung ice cream sa ref"
"talaga ba? salamt Lucas"
"bilisan nyo na kumain ano ba"
" Opo eto na , galit na galit khai? may regla ata"
Noah's pov
natapos na nga kami kumain , at umuwi narin kami , dala ko pa yung ice cream na sinabi ni lucas. pagkatapos ay sabay kami nagpaalam may Lucas at sumakay kami sa kotse, habang nagdadrive si khai at ako namn kumakain ng ice cream , napaisip ako sa nangyare kagabi:
"Ang sweet talaga ni lucas no , kinumutan pa nya ako , tas binuhat pa nya ako sa sofa, kelan ba tau uulit khai? miss kona si lucas"
at biglang binilisan ni khai yung takbo ng kotse ngunit pinabagalan ko namn ito at sumunod namn sya
Khai's pov:
anong ang sweet ni lucas , eh ako nga yung nagbuhat sayo at naglagay sayo ng kumot kasi halatang lamig na lamig kana sa aircon nila lucas , atsaka ako rin. nagbigay ng chocolate no. dimo lang alam noah na mahal na mahal kita , kaya ko pang higitan yung pinaparamdan sayo ni lucas.