KABANATA 03

2002 Words
Kahit nakararamdam ng matinding hiya dahil sa kaniyang pagtataray ay nagawa pa rin ni Lolita ang makipag eye to eye sa lalaki. ‘How can I not? Mas malaki pa rin ang kasalanan niya sa ,’kin. Dalawang beses niya akong pinaputukan ng baril! I was just glad na hindi ako gaanong nangatog sa takot.’ “Did you call out to me for nothing?” Nagtagis ang mga bagang ni Lolita at halos tumusok na ang kaniyang kuko sa palad niya. Late na rin nang ma-realize ni Lolita na nakatitig lang siya sa lalaki. The chance of going home is right in front of her. Pero nasa loob ni Lolita ang pakiramdam na nayuyurakan ang kaniyang pride. Feeling the lump on her throat, Lolita urged to open her mouth and squeezed out her thoughts. “Ka-kailangan ko ng tulong mo.” Pilit na mga salitang namutawi sa bibig ni Lolita. Bakas sa kaniyang mukha na napipilitan lamang siya. ‘Alam ko gwapo ka. Pero walang effect sa ’kin ’yan dahil mas gwapo ang lolo at daddy ko at walang saltik gaya mo!’ “Oh . . . What kind of help may it be?” nakangiting turan ng lalaki. Dahilan kung bakit muling napapikit si Lolita na may kaakibat na buntong-hininga. She's feeling frustrated since kailangan niyang magpakumbaba rito. “Maaari mo ba akong pahiramin ng cellphone, Señorito? Tatawag lang ako ng magsusundo sa ’kin dito,” Lolita politely asked. Kahit na hindi naman siya sigurado kung talagang nasaan na siya o kung saan siya maaaring sunduin, kung sakali mang may susundo sa kaniya ay nagbakasakali pa rin siya. “Okay. Hop in,” anitong nagpakunot ng noo ni Lolita. “Hurry! We can't use the usual track if it rains hard,” walang gana nitong turan. Umiling si Lolita sabay dama sa nangangawit na niyang paa. “Ce-cellphone lang naman ang kailangan ko.” Nagtatakang tumingin si Lolita sa lalaki. “Do you think magdadala ako ng cellphone habang nangangabayo dito mismo sa baluarte ko? So hurry and hop in before I change my mind.” Saglit na natameme si Lolita bago gumanang muli ang kaniyang utak. ‘Ang sama talaga ng pag-uugali! Kung ’di ko lang kailangan ng tulong mo, neknek kung kikibuin kita kahit mapanis pa ’tong laway ko at kahit ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo!’ Muli ay tumingala si Lolita sa lalaking nasa ibabaw ng kabayo. ‘Hindi naman ako pandak. Sa katunayan ay 5’3 ang tangkad ko. Pero, the nerve of this man to ask an injured lady to ride in a stallion, na sumampang siya lang mag-isa! Anong akala niya sa ’kin? Ako si Elastigirl? Hmp!’ Ayaw ni Lolita na magsalita pa. Ngunit sa kaniyang nakikita ay talagang hindi siya tutulungan ng lalaki hangga’t hindi niya pino-point out ang kaniyang gustong mangyari. Lolita’s brows furrowed—ngunit lumambot din naman agad. ‘Easy Lolita. Ikaw ang may kailangan. ’Wag ka munang magmaldita lalo’t may saltik sa utak ’tong kaharap mong tao!’ “Hi-hindi ko kakayaning sumampa riyan sa kabayo mo mag-isa po, Señorito. Maliban sa masakit talaga ang paa ko, honestly, sobrang taas din ng kabayo mo . . .” “Fine. Stay still and just cooperate.” ‘Mabuti naman at binitiwan na niya ang kaniyang rifle. Of course, aware ako na rifle ’yang hawak niya at ginamit na panakot sa ’kin. May ganiyan din si Lolo. Pero never pa niya akong pinahawak. Pero panakaw ko namang tinitingnan.’ Imbes na naging kampante na ang pakiramdam ni Lolita tungkol sa baril, ay muli na naman siyang kinabahan dahil isinukbit lamang ng lalaki sa likuran nito ang rifle. ‘Pag balak niya akong paputukan niyan ay agad-agad niya itong makukuha.’ Lolita was shocked nang sa isang iglap lang ay nakababa na ang lalaki. Mabilis ang mga kilos nitong bumaba sa kabayo at agad na lumapit sa kaniya. Wala sa sariling napaatras si Lolita, but her feet won't budge upang mas makaatras pa. “Wha-what do you think you're doing?” daing ni Lolita nang hawakan siya nito sa bewang. ‘I have never been touched of someone my opposite sëx before, maliban na lang kay Lolo at daddy . . . Maybe ang family doctor namin? Hinawakan ako sa kamay ng driver namin . . .’ In the middle of self and situation crises ay nakuha pang mag-track down ni Lolita ng mga family members niyang lalaki na nakahawak sa kaniya. “How would you expect me to help you kung ayaw mong magpahawak? Just shut your mouth and stay still!” Lolita could feel her whole body being lifted like she was nothing but air. “Where would you prefer to ride, sa likuran or sa harap na part?” tanong nito habang nakabitin sa ere ang katawan ni Lolita. Binubuhat siya nito sa para bang isa lamang maliit na aso. Naninigas ang katawan ni Lolita maging ang paghinga niya ay pigil din. “A-at the back,” utal niyang turan sabay turo sa likuran na bahagi ng two seated horse seat. Sa isipan niya ay at least, palag niyang makikita ang baril nito kung sa likuran siya uupo. ‘Mabuti na lang at pang dalawahan ’tong horse seat niya. Kundi sa malamang ay sa mismong balahibo ako ng kabayo mauupo.’ “I doubt it. I don't want to be at fault ‘pag nahulog ka.” ‘Nagtanong pa. Siya rin naman pala ang masusunod.’ Naparolyo na lamang ng kaniyang mata si Lolita at ’di na sumagot pa. Kusa na lamang ibinuka ni Lolita ang kaniyang mga paa nang makasabit na sa stirrup ang walang pilay niyang paa. “Hey, easy, Morp . . . Easy . . .” Mabilis namang napahawak sa horse seat si Lolita nang biglang naglikot ang kabayo. Pinagmasdan niya kung paano himasin ng lalaki ang mukha ng kabayo upang pakalmahin ito. ‘Paano kaya kung patakbuhin ko ’tong kabayo at iwan ’tong lalaki na ’to rito? In that way, makakaalis ako rito at ’di ko na makikita pa ang lalaking ’to.’ Lolita wasn't aware that she's already staring at the man intensely. “I know what you are thinking right now, Señorita. But you can still do it though kung gusto mong isugod sa ER. Morp does not allow anyone to ride him without me . . .” Mabilis namang napatingin sa unahan na mga puno si Lolita nang marinig niya ang sinabi nito. ‘Maysa-mind reader din. Paano niya nahulaan ‘yong iniisip ko lang? Ganoon ba kahalata sa pagmumukha ko ang gusto kong gawin?’ Napakapit si Lolita sa upuan nang maramdaman niya ang pagsampa ng lalaki sa kabayo at sumagi ang likuran niya sa dibdib nito. “Pe-pwede bang umusog ka nang bahagya?” naiilang na suhestiyon ni Lolita. “Why don't you just ask me to step down instead, Señorita? Kita mo namang limitado lang ang space natin. If you couldn't stand being near me, pwede ring ikaw na ang bumaba . . .” Kulang na lang ay magpapadyak si Lolita sa mga sinabi nito. ‘Kung ’di lang talaga kita kailangan! Wala yatang ka gentle-gentleman sa katawan ang lalaking ’to.’ Muli ay tumahimik si Lolita dahil nakaramdam na naman siya ng pagkahilo. “Hold on tightly. Kailangan kong bilisan ang takbo ni Morp at lumalakas na ang ulan at madilim na rin. We'll be in my house in twenty minutes kung sa usual trail tayo dadaan. Hiya!” Lolita firmly closed her eyes nang nagsimulang tumakbo nang matulin ang kabayo. Habang tumatakbo ang kabayo ay tahimik lamang sina Lolita at ang lalaki. Wala silang kibuan, at wala ring balak makipag-usap ni Lolita rito. ‘Tiyak akong sobrang nag-aalala na ’yon sina Lolo at Lola sa ’kin . . .’ Nababahalang pilit na inaaninaw ni Lolita ang dinadaanan nila nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. “Shït!” Lolita flinched matapos marinig ang malutong na mura ng lalaki sa likuran niya. “Hey, stop, Morp . . . Stop, boy . . .” Namangha naman si Lolita nang tumigil nga ang kabayo sa pag-usad. Pansin ni Lolita na parang mayroong kinakalikot ang lalaki sa likuran niya. “We need to use a flashlight. Ilalagay ko ’tong isa sa noo mo.” Matapos iyong sabihin ay naramdaman ni Lolita na mayroon itong ikinabit sa bandang noo niya. Kinurap-kurap ni Lolita ang mata niya nang biglang nagliwanang nang husto. “That’s better. I’ll be using one too. We need to take the long route since madulas na ang lagi naming dinaraanan ngayon dahil sa mga basang bato.” “Ma-mas mahaba ba ang daan na ’yon?” Mas lalo tuloy nag-alala si Lolita lalo pa’t mukhang sinusubok talaga siya ng panahon. She could feel that her body is slowly reaching its limit. ”Yes, kailangan nating magpaikot-ikot para iwasan ang mga madudulas na bahagi ng lugar. . .” ‘Madulas at mabatong lupain? Hi-hindi ba’t sa lupain ng mga Famoñer nakalagay ang klase ng lupain na ’yon. Dahil sa lupain nila dumadaloy ang malaking ilog dito sa Evergreen town. Sa kanila dumaraan ang patubig dito sa lugar namin. Ha! ’Wag naman sanang isang Famoñer ang lalaking ’to. Ayaw na ayaw ko pa namang magkaroon ng utang na loob sa pamilya nila!’ Nangunot ang noo ni Lolita, “Exactly how long?” tanong niya rito kahit 'di naman siya nakatitiyak kung sasagutin siya nito. “Thirty to forty minutes . . . Hold on tightly. Hiyah!” Lolita's body was uncontrollably shaking nang sabay niyang maramdaman ang malakas na buhos ng ulan at malamig na simoy ng hangin. Ilang sandali pa ay nangangatal na rin ang kaniyang labi. Pilit niya iyong tinitiis ngunit wala siyang magawa dahil katawan na niya ang kusang nahihirapan. “Hiyah! Stop, Morp . . .” Wala ng pakialam si Lolita kung bakit tumigil na naman sila. “Feeling ko ay magkakasakit ako . . .” Lolita mumbled feeling disoriented. She wasn't aware na talaga namang nilalagnat na siya. ‘Namamanhid din yata ang mga paa at kamay ko.’ A few tears escaped from Lolita's shut eyes. “Shït, fifteen minutes pa lang tayong tumatakbo ay ganiyan kana. You might fall ’pag hinimatay ka.” Lolita could vaguely feel a quick peck or touch on her forehead. “You’re burning. This won't do . . . I have no choice but to do this. Please bear with me.” Lolita's body jolted nang kaniyang maramdaman ang mainit na bagay sa kaniyang likuran. Nakapikit man ay ramdam din niyang may kinakalikot ang lalaki sa bandang harapan niya. ‘It’s getting warmer . . .’ Wala sa sariling napangiti si Lolita. “That’s better. In that way, kahit makatulog ka pa ay ’di ka malalaglag.” Kahit hirap ay pilit na binuksan ni Lolita ang kaniyang mga mata nang marinig ang sinabi ng lalaki. Tinangka niya ring kumilos ngunit pakiramdam niya ay restricted ang kaniyang mga kamay. “Don’t be foolish. Just stay still. May lagnat ka at sobrang taas nito. Ipinasok kita sa loob ng jacket ko. It's waterproof kaya ay ‘di ka mababasa riyan. Though basa ka na, at least, you could no longer be directly hit by the wind. You can also fall asleep since naka-lock naman ang jacket. You are being safely supported . . .” Lolita bit her upper lip. Muli ay napangiti si Lolita. ‘Saan na napunta ’yong lalaking may masamang pag-uugali kanina?’ Lolita then slightly tilted her head. “Tha-thank you, Zy . . .” Lolita mumbles bago muling ipinikit ang kaniyang bumibigat na naman na talukap. Maingat na tinanggal ng lalaki ang flashlight na nakakabit pa rin sa noo ni Lolita. “Saan na napunta ’yong malditang babae kanina? Marunong ka rin naman pa lang magpasalamat . . . Hiyah!” anitong bugnutin pa rin ang mukha. Muli ay nagsimula ng tumakbo nang matulin ang kabayo sa daan kung saan ay natatakpan ng maraming mga punong naliligo sa malakas na buhos ng ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD