KABANATA 12

1909 Words
LOLITA was sitting on the couch habang magkasalikop ang dalawa niyang mga kamay na nakapatong sa kaniyang hita. Her feet were uncontrollably moving, while she's stealing glances at their villa’s main door. ‘Walang mangyayari na masama . . . Walang mangyayari na masama . . .’ Paulit-ulit na pagkumbinse ni Lolita sa sarili niya. “Se-señorita Lolita, gamutin muna natin ’yang pasa mo sa palapulsuhan.” Tumingala si Lolita at kaniyang nakita ang nag-aalalang mukha ni Alma. Muli ay napatingin siya sa kaniyang kamay. Lolita shrugged dahil ngayon lamang niya napansin ang nangingitim niyang palapulsuhan. ‘Kahit may pagka morena ako ay malinaw ko pa ring nakikita ang pasa sa aking wrist. Galit na galit talaga si Lolo para malakasan niya nang husto ang paghawak sa ’kin.’ Lumaylay ang balikat ni Lolita sabay napabuga nang marahas. Muli ay tumingin siya sa main door. Hindi na rin niya namamalayan na kaniya ng hinihimas ang pasa niya sa kamay. ‘Tiyak akong hindi na kami ulit magkikita ni Zyran kung pagbabasehan ko ang reaksyon ni Lolo . . .’ Lolita subconsciously held her aching chest. Samu’t sari ang bigat na nararamdaman niya sa ngayon that she's almost having difficulty breathing. “Señorita Lolita?” Again, Lolita heard Alma’s voice, full of concern. Tiningala niya saglit si Alma sabay piling ng kaniyang ulo. “Sige . . .” ani Lolita, ngunit nasa main door pa rin ang kaniyang tingin. Halos mag-iisang oras na nang sila ay nakauwi mula sa kanilang rubber plantation. Lolita was commanded by her grandfather na manatili siya sa sala at doon maghintay sa kaniyang ama. Ninais man niyang makausap ang kaniyang Lolo, ngunit hindi na ito bumalik pa simula nang iwan siya nito sa sala. “Tapos na po, Señorita. Sandali at kukuha ako ulit ng tubig para sa ’yo.” Mabilis na kumilos papuntang kusina si Alma. Pinagmasdan naman ni Lolita ang wrist niyang mayroon ng bendang puti na nakabalot. Ginalaw ni Lolita ang kaniyang kamay bago muling ipinatong sa hita niya. ‘Anong gagawin ko? Kahit anong sabihin ko ay hindi nakikinig sa ’kin si Lolo. Si daddy kaya . . .’ Lolita was adamant since kilala na niya ang ugali ng kaniyang ama—pinagbiyak iyon sa ugali ng Lolo niya. Wala pa mang dalawang minuto ay kumaripas na nang takbo si Alma pabalik sa kinalalagyan ni Lolita nang walang dalang tubig. “Señorita! Señorita! Nariyan na po ang daddy mo!” mabilis na sabi ni Alma at tumayo sa gilid ng couch kung saan nakaupo si Lolita. Tumayo naman agad si Lolita at ’di na inaalis ang kaniyang tingin sa main door. Lolita's eyes lit up nang makita ang mga hinihintay niya. “Dad! Lolo . . .” Kahit hindi pa man aminin ni Lolita sa kaniyang sarili ay ramdam niyang mayroong mabigat na mangyayari sa buhay niya ngayon. While looking at the two important men in her life, Lolita felt a sudden rush of unexplainable emotions. “Don . . . Sir Lander, handa na po ang mga kagamitan ng Señorita Lolita.” Nagtataka namang napatingin si Lolita sa mayordoma ng kanilang villa. Tumingin siya rito at palipat-lipat sa ama at Lolo niya. Tumingin siya kay Alma—she could see basi sa mukha nito na wala rin itong alam sa nangyayari. “Sige. Ipakarga mo na lahat ng mga bagahe ni Lolita sa sasakyan at aalis na rin kami agad.” Lolita was shocked upon hearing her father's words. Lolita was pacing back and forth hanggang sa muli siyang tumingin sa kaniyang ama. “Sa-sandali, dad. Saan tayo pupunta?” Tumingin si Lolita sa kaniyang Lolo. Ngunit ibinaling lamang nito ang tingin sa ibang direksyon. She felt a lump in her throat. Suddenly, Lolita could bitterly grasps the partial situation. “Dad? Saan tayo pupunta?” Lumapit na si Lolita sa kaniyang ama at humawak sa kamay nito. Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ng ama niya. “Hindi na muna natin sasabihin ang Lola mo na ngayon ang iyong alis. I don't want her to worry at this time dahil tumaas daw ang blood pressure niya kanina. Papa, please . . .” Naging hintatakutan naman ang mukha ni Lolita nang pinagmasdan siya ng Lolo niya nang puno ng lungkot at pag-aalala. Tumingala ito bago unti-unting lumalapit sa kaniya. “Ayaw kong malayo sa ’yo, apo. Pero kung ito lang ang paraan para pangalagaan ka ay gagawin namin. Titiisin ko . . . Titiisin namin ang lungkot, lumbay at pananabik.” Lolita felt puzzled habang niyayakap siya ng kaniyang Lolo. She couldn't even afford to reciprocate the hug since hindi niya pa gaanong maintindihan ang mga nangyayari. Hindi naman nagtagal ay mayroon siyang na-realize. ‘Ngayon na ba ang alis ko papuntang siyudad? But I still have three days left!’ Mabilis na humiwalay si Lolita sa bisig ng kaniyang Lolo. “Lolo, daddy, ngayon na ba ako aalis? Ipadadala na ninyo ako sa city, ngayon mismo?” naluluhang sambit ni Lolita. Sa pagitan ng kaniyang pagiging lito at hikbi ay napunta ang atensyon ni Lolita sa dalawang tauhan nila na may bitbit na maleta. Hawak naman ng mayordoma ang paborito niyang sling bag. “Sandali lang . . . Ilapag niyo muna ang mga gamit ko!” Tumakbo si Lolita sa driver nila at sinubukan na kunin ang hawak nitong maleta. “Señorita . . .” Kita ni Lolita na nagpalingo-lingo ang driver nila. Napatulala na lamang si Lolita at pinagmasdan ang papalabas na nilang mga tauhan. “Let’s go . . .” Ramdam ni Lolita ang higpit nang hawak ng ama niya sa kaniyang palapulsuhan. “Sa-sandali lang. Dad! Lolo! Please . . . Sandali lang!” Lolita was protesting. She was trying to pull her hands off her father's grip. “Stop protesting! ’Wag mo ring lakasan ang iyong boses, Lolita. Baka marinig ka ng Lola mo. As I've said, kahuhupa lang ng presyon niya. Be mindful.” Tumingala si Lolita upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Mayroong mga luhang naglandas sa gilid bg kaniyang mga mata, ngunit mabilis naman niya iyong napunasan. “Dad, please . . . Listen to me. Kung tungkol ito sa pakikipagkita ko kay Zyran . . . I promise—hindi ko na ‘yon uulitin pa. Promise, dad. Just please, listen to me. Just this once!” Tumigil sa paghakbang ang ama ni Lolita. Binitawan nito ang kamay niya at mariin siyang tinitigan. “Ano bang problema kung ngayon ka aalis, anak? In three days ay doon din naman ang punta mo.” Natigilan naman si Lolita sa sinabi ng ama niya. “I-I . . . I still need to see my grandmother and bid her goodbye. Saka hindi naman ito ang original plan natin sa pag-alis ko, dad! May plano pa nga tayong last dinner ’di ba?” Kahit ano’ng pilit na pigilan ni Lolita ay pumatak pa rin ang kaniyang mga luha. “Sumama ka na sa daddy mo, apo. Makinig ka na lang.” Lolita helplessly look at her Lolo. “Lolo, papayag ka lang bang aalis ako nang ganito? Nang mayroon tayong ’di pagkaka intindihan?” Sa pagkakataong ito ay hinayaan na lamang ni Lolita na bumagsak nang husto ang kaniyang mga luha, at lumabas ang bigat na kaniyang nararamdaman. “Mas mabuti na ito kaysa may masama pang mangyari sa ’yo.” “Lolo! Sinabi ko na . . . Ilang beses ko bang uulitin na wala kaming ginagawang masama ni Zyran!” “Listen to me, young lady!” Nanigas naman si Lolita nang hawakan ng ama niya ang magkabila niyang balikat at titigan siya nito sa kaniyang mga mata. “Natuto kang maglihim sa ’min. You lied to us not just once but four times! For what, huh? For what, Lolita? Ito ba ang natutuhan mo sa mga araw na niloloko mo kami para makasama ang lalaking ’yon? And for what na nakikipagkita ka kay Zyran?” Kumurap-kurap si Lolita . . . ‘Nalaman ba nila daddy na nakikipagkita ako kay Zyran noong nagpaalam ako na mamimili sa mall?’ Lolita hardly swallows her slowly drying up saliva. Pansin din niya ang nag-iiyakan nilang mga katulong, lalo na si Alma na humihikbi. “Da-dad . . .” tanging naisatinig ni Lolita. She was beyond guilty kaya ay wala siyang ibang masabi. Cat got her tongue, ika nga ang kaniyang naging reaksyon. “See? Ngayon ay nakikita mo na ba kung saan nanggagaling ang pasya namin ng Lolo mo?” Hindi pa rin sumagot si Lolita at nanatili lamang nakayuko. “Kung hindi pa sinabi sa ’kin ng kaibigan ko na nakita ka ng apo niya na kasama ni Zyran sa underground firing range, ay ’di namin malalaman na ang lalaking ‘yon ang kasa-kasama mo sa tuwing tutungo ka roon sa mall,” dagdag pa ng Lolo ni Lolita, dahilan kung bakit mas napayuko pa at ’di na nakaimik si Lolita. “Now tell me, anak. Dapat ka pa ba naming pagkatiwalaan, huh?” Nanginginig na tumingin si Lolita sa mukha ng ama niya. “Daddy . . . I—I’m sorry. I'm sorry po . . .” “It’s okay now. I don't blame anyone. So let's go!” anito sabay hawak ulit nang mahigpit sa isang kamay ni Lolita, kung saan ay walang nakalagay na benda. “Lolo . . .” Umaagos pa ang mas masaganang mga luha ni Lolita habang pilit na naglalakad palabas ng villa. Ang mga mata naman niya ay nakatingin sa Lolo niyang nakasunod lamang sa kanila ng kaniyang ama. “Makinig ka na lang, apo. Para din ’yan sa kapakanan mo. Makinig ka sa ama mo.” Halos gumuho na ang mundo ni Lolita sa sinabi ng Lolo niya. Sa paglipas ng ilang sandali ay narating na rin nila ang sasakyan. “Dad . . . I'm sorry. Please, ‘wag naman pong ganito. Pakiusap, dad . . . Lolo. Lolo ko . . .” Kita naman ni Lolita kung paano tumalikod ang Lolo niya habang nasa mukha nito ang dalawang mga kamay. Lolita was aware na umiiyak na rin ito lalo pa’t yumoyugyug na ang balikat. “Get in the car, Lolita,” utos ng ama niya. “Sandali lamang, Lander.” Walang sabi-sabi ay yumakap nang mahigpit ang Lolo ni Lolita sa kaniya. Yumakap na rin si Lolita pabalik dito. Lolita was hugging her Lolo na para bang ito na ang huling yakap niya rito. She doesn't want to let go kaya ay mas hinawakan pa niya ito. “Mag-iingat ka roon, apo ko. Alam mo na kung ano ang mga dapat at ’di mo dapat na gawin. Ang kalusugan at pag-aaral mo ay iyong pakatutukan. Manalangin ka rin palagi. Mami-miss kita nang sobra. ’Wag kang mag-alala sa Lola mo. Iyayakap na rin kita sa kaniya.” Matapos iyong sabihin ay pilit nitong inalis ang mahigpit na yapos ni Lolita. Nang makaalis sa mga kamay ni Lolita ay mabilis itong tumalikod. Balak pa sanang hawakan ulit ni Lolita ang Lolo niya, ngunit mabilis na ang nagawang pagtakbo nito pabalik sa loob ng villa. “Lo-Lolo! Lolo ko! Lolo . . .” Muntik ng mabuwal si Lolita sa sahig kung ’di siya agad nahawakan ng ama niya. Mabilis din ang naging kilos nito at agad na siyang isinakay sa kanilang van. Hindi naman nagtagal pa at tuluyan na ring lumabas ng ga sa villa ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD