KABABABA pa lamang ni Lolita ng sasakyan ay kita na niya agad ang nakaabang niyang Lolo’t Lola.
“Lolita apo ko!” sigaw ng matanda. Kahit mga nasa sampung metro pa ang layo nito ay nakabukas na agad ang mga kamay, kaya ay tinakbo ni Lolita ang pagitang iyon sabay yakap sa nakaabang niyang Lolo. ‘Aray, ang sakit ng paa ko . . .’ Ramdam ni Lolita ang sakit at kita naman iyon sa mukha ni Lolita.
“Anak, ’wag kang tumakbo!” sigaw ni Lando, ngunit huli na dahil nakakilos na si Lolita nang ’di gaanong nag-iisip.
Agad may ay yumakap sa kaniya ang kaniyang Lolo. Lolita immediately felt an inner peace and comfort. Na kahit wala man itong sabihin ay panatag na agad ang puso niya.
“Lolo . . .” bulong ni Lolita na tunog naiiyak na at nagsusumbong. Hinimas naman ng matanda ang likod ni Lolita. It was like, ramdam nito kung gaano ka-anxious sa loob si Lolita. At the same time, ramdam din ni Lolita na nakahinga ng maluwag ang Lolo niya gayong narito na siya at nakauwi na.
“Alalang-alala kami sa ’yo, apo. Kung hindi lang ako sinabihan ng dad mo na ’wag ka ng puntahan ay kagabi pa kita kinuha sa bahay na ’yon.” Pansin ni Lolita ang inis sa boses ng Lolo Dario niya. Ganoon din ang matalas nitong tingin sa kalalapit pa lang niyang ama. ‘Parang may nararamdaman talaga akong hindi tama. May itinatago ba sila sa ’kin?’ Lolita wondered as she was secretly observing her father's movements.
“Saka bakit may mga pasa at sugat ka ha? Ang pisngi ng maganda kong apo!” Muli ay niyakap ni Dario si Lolita.
“It’s fine, papa. We both know na nirerespeto ng mga Famoñer ang kondisyon natin. See? My daughter is here. She got some scratches. But overall, she's safe and sound. Ipagpasalamat na lang natin na tinulungan siya ni Zyran. Kilala mo ang batang ’yon . . . Parang may saltik pero matulungin naman.” Huminga ito nang malalim. “I’m glad that you're finally home, honey.” Umiling naman si Lolita at nginitian ang ama niya. Nagbago lamang ang ngiti niya nang kaniyang maalala kung paano siya tinakot gamit ang isang baril.
“Yeah. May saltik nga sa ulo ’yong Zyran na ’yon, dad.” Sabay naman na napatingin ang dalawa kay Lolita.
“Bakit, apo? May ginawa ba sa ’yo na masama ang lalaking ’yon?” pagalit na tanong ni Dario. Hinawakan pa nito ang dalawang kamay ni Lolita at pilit na hinuhuli ang mga mata niya. Hanggang sa umabot ang mata nito sa may benda niyang paa. “Anong nangyari sa paa mo?”
“Wala naman lolo. Ano lang kasi . . . kung walang saltik sa utak ang lalaking ’yon ay hindi niya ako papuputukan ng baril nang dalawang beses.”
“Ano?” Mabilis naman ang kilos ng Lolo Dario ni Lolita na sinuri ang kaniyang braso, mukha, paa at likod. Pinaikot pa siya nito maging ang kaniyang ulo ay tiningnan din.” Napaatras naman si Lolita na mukhang nagsisi kung bakit pa niya sinabi sa kaniyang lolo. ‘Muli ay kumirot ang kaniyang paa, ngunit kaya lang naman ang sakit. She was informed na hindi ganoon kalala ang leg sprain niya.
“A-ayos lang naman ako, lolo. Sa lupa lang naman tumama ’yong bala. Natakot lang ako kasi first time kong makatagpo ng ganoon na klaseng tao. Saka kasalanan ko po itong nangyari sa paa ko. Natisod po ako sa pababang parte ng may hangganan na bahagi—malapit na sa mga chicken wire.”
“Kakausapin ko si Zy sa ginawa niya sa ’yo, anak. Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo na pinaputukan ka ng baril. Kung malaman ni Zinon ang ginawa niya, tiyak akong ’di niya iyon magugustuhan.” Agad na nangunot ang noo ni Lolita. ‘Pa’no naman napunta sa mamang ’yon ang usapan?’ Lolita suddenly felt uncomfortable. ‘At ano naman ang pake ng lalaking ’yon sa ’kin?’
“A-apo k-ko . . .” Agad namang napatingin si Lolita sa gilid niya. Immediately an apologetic smile was showing on Lolita's lips.
“Oh, my gorgeous Lola. Pasensya na po at ngayon lang ako nakauwi. I made you worried . . .” Niyakap ni Lolita ang Lola niyang nakaupo sa wheelchair. “Ang lamig dito sa labas. Sanay sa loob mo na lang ako hinintay.” Dahil na-mild stroke ito ay bahagyang naapektuhan ang kilos at pananalita nito.
“A-are you r-really o-o-okay?” Hinawakan pa nito ang kamay ni Lolita.
Mas masiglang ngiti ang ipinakita ni Lolita. “Oo naman po, Lola! Medyo naging-sad lang ako kasi na-miss ko kayo. Pero overall, ayos na ayos po ako.” Itinaas pa ni Lolita ang braso niya at pinatigas iyon upang lumabas ang pilit na mga muscles.
“Sinabi ko na nga riyan sa Lola mo, apo na sa loob na lang kami maghintay, pero ayaw. Saka pareho kaming walang maayos na tulog kagabi. Pinasuyod ko pa sa mga tauhan natin ’yong rubber tree plantation natin noong nagsimula ng bumagsak ang ulan. Pero ‘di ka nila mahanap. Bagkos ay nakita nila ang sirang bakod . . . Maging ang naiwan mong sombrero at kathi. Kaya halos mabaliw na ako sa sobrang pag-aalala kagabi. Tinawagan ko rin ang sheriff.” Kita ni Lolita na tumingin ito sa ama niya. ‘As expected sa Lolo ko. Susuyurin niya ang buong mundo makita lang ako!’ Lolita felt proud and loved.
“I’ll take care of it papa. Saka may matinding rason kung bakit ’yan lang ang nakalagay na bakod sa lupain natin. We can't change that.” Agad na na-curious si Lolita at magtatanong pa sana siya nang mapansin niya ang problemadong mukha ng lolo niya. ‘I’ll better ask sa susunod na pagkakataon.’ Tumingin siya sa lolo niya.
“Sorry po, Lolo. Hinabol ko po kasi ’yong anak ng kabayo natin. ’Yong puting colt ho. Sobrang nag-aalala po kasi ako at baka mapahamak siya ‘pag iniwan ko.” Kita naman ni Lolita kung paano nangunot ang noo ng Lolo at daddy niya. Bakas sa mukha ng mga ito ang matinding pagtataka.
“Anak. Wala tayong bagong kabayo. In fact, it's only Rodolf and Hitler —the two stallion, that's all we have. Kahit kailan ay hindi ako bumili ng babaeng kabayo.” Nanlaki naman ang mga mata ni Lolita sa sinabi ng daddy niya.
“Wala tayong babaeng kabayo, apo. Hindi tayo nag-alaga ni isang beses maliban na lang diyan sa dalawang kabayo ng daddy mo.”
“Y-you mean, hi-hindi atin ’yong kabayong hinabol ko?” Sabay na nagpatango-tango ang ama at Lolo niya.
“Baka ay galing iyon sa lupain ng mga Famoñer, apo ko . . .” Sabay na hinawakan ng lolo at ama ni Lolita ang magkabila niyang braso upang alalayan siya habang nakatayo.
“Papa, ako na ang bahala kay Lolita.”
“Apo ko, pasok na muna tayo sa loob ng Villa ha. Sabihin mo sa ’kin lahat ng nangyari sa ’yo.”
“Si-sige po,” Lolita answered feeling both upset and bewildered.
Sa tulong ng daddy ni Lolita ay nakaupo na siya ngayon sa sofa na nasa salas ng villa. Habang ang lolo naman niya ay kararating lang habang tulak-tulak ang wheelchair ng kaniyang lola.
Alanganin na ngumiti si Lolita. Ngunit ang kaniyang pisngi at tainga ay labis pa rin na namumula. Kahit anong isip niya ay labis pa rin ang kaniyang nararamdan na hiya dahil sa tapang niyang mang-angkin nang ’di naman kaniya.
‘Sino ba namang mag-aakala na nagsasabi pala nang totoo ’yong Zyran na ’yon. Saka malay ko bang hindi naman sa ’min ’yong kabayo . . .’ Lolita was trying to convince herself na wala siyang maling ginawa.
“Bakit, honey? Iyon ba ang rason kung bakit ka pumasok sa lupain ng mga Famoñer?” paunang tanong ni Lander nang nakaupo na rin ito sa sofa—sa gilid lamang ni Lolita.
“A-ang buong akala ko po kasi ay atin si Colty . . .” Nilaro pa ni Lolita ang laylayan ng suot niyang bagong bili na dress dahil sa nagmi-mix na ang emosyon niya. Lolita even remembered kung paano siya sumigaw na ibalik sa kaniya ang kabayo, habang kinukuha ito ng talagang may-ari.
‘Ouch . . .’ Wala sa sariling natampal ni Lolita ang kaniyang noo.
“Hindi gusto ng mga Famoñer na may pumapasok sa lupain nila nang walang paalam, apo,” ani Dario na umupo na rin sa opposite chair nina Lolita at Lander.
“Mukhang kilalang-kilala po ninyo ang mga Famoñer, Lolo, dad ah . . .” ani Lolita habang tinitingnan ang dalawa. ‘Mukhang ako lang yata talaga ang sobrang blind sa mga pangyayari dito.’
Muli ay pinaglaruan ni Lolita ang hem ng kaniyang dress.
”A-apo ko, a-ang dress m-mo . . .” Sa pagkakataong ito ay muli na namang napako ang tingin ni Dario kay Lolita—na agad namang napansin ng dalaga.
“Lander! Kunin mo ’yong baril ko at may susugurin ako!” gigil na sigaw ni Dario at muli ng tumayo sa sofa. Hawak-hawak naman ng lola ni Lolita ang kamay ng Lolo niya.
Agad namang naalarma si Lolita. Alam niya na ’pag tinatawag ng Lolo niya ang pangalan ng kaniyang daddy ay seryoso ang mood nito.
“Lolo! Kahapon po kasi ay basambasa ako dahil sa ulan. Tapos noong nasa mansyon na ako ng mga Famoñer ay may dalawang babae na sa tingin ko ay mga helper doon. Sila po ang nag-alaga sa ’kin. Sobrang dumi raw po at may dugo ’yong damit ko kaya ay itinapon nila. Lola, mga babae lang po ang nagbihis at humawak sa ’kin.” Halos tumayo na habang nagpapaliwanag ni Lolita.
“Totoo ba ’yang sinasabi mo, apo? Hindi ka hinawakan ng taong ’yon?”
Tumango naman si Lolita at itinaas pa ang kanang kamay upang mag-honest gesture. Tumingin pa siya sa daddy niya. Silently saying na ’wag na nitong sabihin na kinarga siya ni Zyran. Na hinawakan siya ng isang lalaki.
“Baka tinakot ka lang ng Zyran na ’yon para hindi ka magsalita, apo!” Puno nang mapanuring tingin ang mga titig ngayon ng Lolo ni Lolita sa kaniya. Kaya ay wala ng nagawa ang dalaga kundi ang salubungin ang matalas na tingin ng kaniyang Lolo.
“Promise po, lolo. Hindi talaga!” Muli na namang nasilayan ni Lolita ang pagiging war freak ng Lolo niya. Pagdating talaga sa kaniya ay nagiging basagulero ito at handang makipag danakan ng dugo. Nasaksihan na rin niya kung paano ito nag-over react noon nang may batang tumulak sa kaniya, noong elementary pa lamang siya.
“Papa, that's enough. Maybe we should let Lolita have some rest first. Papunta na rin dito si Dok Gonzalez upang masuri siya. Zyran told me na natingnan na siya ng doktor. Pero it's better na doktor mismo natin ang mag-confirm na ayos lang ang anak ko.” Napatingin naman si Lolita sa papalapit nilang helper. Habang ang Lolo naman niya ay napilitan na itikom muna ang bibig.
“Ahm, sir, excuse me po. Pero nakahanda na po ang hapagkainan.” Tahimik naman na nagpasalamat si Lolita sa pagdating ni Alma. Dahil dito ay na-distract ang kaniyang Lolo.
“S-stop, Dario . . . S-stop,” anang Lola ni Lolita na bahagyang pinisil ang kamay ng kaniyang Lolo.
“Hah! Sige na nga. Fine. Mamaya na lang tayo magpatuloy sa usapan natin. Apo, halika na at kumain ka muna. Sa tingin ko ay namayat ka agad nang husto. Pinaluto ko ang paborito mong beef with ampalaya. Saka maligo ka na rin at bihisan mo ’yang damit mo. Hindi ko gusto ang taong bumili niyan!” Natatawa na lang si Lolita na tumayo sa tulong ng kaniyang ama at naglakad sila patungo sa kainan.
‘Si Lolo talaga. Ayaw ko namang magmukhang gasul sa taba. Hindi na nga ako katangkaran ay balak pa akong patabain . . .’
Umupo na silang lahat sa hapag at nagsimula na ring kumain nang tuluyan ng na-serve ang lahat ng mga pagkaing nakahanda.