~Zoran Mendoza-Moretti~ [Blood Sports] continuation of flashback… Biglang nag-ingay ang crowd at parang sabungan, nagliwanag na kasi ang stage at kitang-kita ko na ang babae sa hawla. “Aki!” Sigaw ko nang makita ang kapatid ko na nasa loob ng gintong hawla. Ang mata niya ay parang umiikot, para siyang high na high at nakasuot ng malaswang panloob. Putangina! Hiyaw ko sa isip. Bakit dinadamay niyo ang kapatid ko! Batang-bata pa si Aki. Tumingin ako kay Marco na naroon sa mezzanine nanonood sa glass window. Nakangisi na tila ba nang-uuyam pa. Mabuti na lang at tumayo na siya at sinenyasan ang alalay niya na buksan ang hawla. Dahil kung hindi ay babasagin ko ang salamin kung saan siya naroon. May isang lalaking nagbukas ng hawla at parang sako ng bigas ang kapatid ko na binuhat niya

