~Elziel Dela Cruz~ [BUNTIS AKO!] “Nga pala, Bes. May regalo nga pala ako sa'yo. Tignan mo…” Paglingon ko, nakita ko ang sinasabi ni Monique na regalo. Napapikit na lang ako… napakasakit. Hawak niya ang isang pregnancy test. May dalawang pulang guhit. Napalunok ako upang mawala ang bara sa aking lalamunan. Tumingin muna ako kina Fernan at Faye, sumenyas na umakyat na muna sila. Ayaw kong marinig ni Cindy ang ano mang sasabihin namin ni Monique. “Ow, congrats, Bes. Sinong donor? Si Ethan ba o si Dave?” Hindi pa rin natinag ang kanyang ngiti. Nakangiti pa rin na tila proud na proud pa sa kalandian niya. “None of the above!” Sabay halakhak. Nakaka-trauma ang halakhak na iyon, parang lagi kong naririnig sa bawat sulok ng aking isip. “Syempre sa asawa mo.” Muli na naman siyang nagpaka

