~Sofi Mezzaluna~ [Setting You Free] Matagal na palang alam ni Zoran na niloloko ko siya at ginagamitan ng drugs. Pati siguro ang maka-ilang ulit na pag pasok ko sa kwarto niya kapag gabi, kapag himbing na siya at tumatalab na ang pinapa inom kong gamot, alam niya siguro. Pero pinipiling maging tahimik dahil malaki ang utang na loob niya sa akin at hindi naman kaaway ang turing niya sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Gusto ko siyang ipaglaban pero paano? Kung siya mismo ang lumalayo sa akin. Si Zoran mismo ang nagposas sa akin para hindi ako maging hadlang sa pagligtas niya kay Elziel. Habang pinagmamasdan ko siya na papalayo sa akin, unti-unti ko nang natatanggap na hindi ako ang mahal niya. Si Elziel lang talaga ang mahalaga sa kanya. Ako? Parang kapatid lang daw ang

