~Monique Esteban~ [Past ng Eskabeche] Hawak ko sa kamay ko ang pregnancy test, nanginginig ang bawat daliri ko. Kahit na hindi ko ito makita ay alam ko na ang sagot. Buntis ako. Ibang iba ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Lumalala ang hilo, ang pagiging antukin, at kakaibang cravings. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Hindi ko alam kung sino kina Ethan at Dave ang ama. Pero kahit sino pa man, isa lang ang sigurado ako, kailangan panagutan ako ni Maverick. Bakit hindi? Siya ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Binigay ko sa kanya ang buong sarili ko, ang pagka babae ko. Gusto ko lang naman umahon sa hirap. Gusto ko magkaroon ng isang pamilyang buo at masaya. Magkaroon ng asawang responsable, walang bisyo, hindi nananakit. Kay Zoran ko iyon nakita, ang lal

