~Elziel Dela Cruz~ [Vicious Cycle] “Good morning, Babe. Gising ka na ba?” Naririnig ko ang malambing na tinig ng aking asawa. Bakit ang bait ng boses niya? Alam kong hinahabol niya ako dahil papatayin niya ‘ko! Kailangan kong inumin ang antidote na bigay ni Aki. Aabutin ko na ang doorknob ng master's bedroom pero bakit hindi ko maabot? Bilis, Ziel! Abutin mo! Abutin mo! Naririnig ko na ang yabag ng paa ni Mav… kailangan kong tumayo. “Tayo Elziel! Tayo!” Hiyaw ng isip ko. Pero bigla akong nagising. Tumatagaktak ang pawis, nanginginig, hingal-kabayo, para akong nakatakas kay kamatayan. Pagmulat ng mga mata ko ay ang nag-aalalang mukha ni Maverick ang bumungad sa akin. “Are you alright, Babe?” tanong niya habang hinihimas ang aking likod. Napa-igtad ako sa sobrang takot at napa-at

