~Elziel Dela Cruz~ [ATTIC] “If you want it, get it. Bukas ng gabi. Doon sa attic.” Nanggigigil ako kay Mav. Gustong gusto niya talaga akong nagagalit, naiinis, nagmamaka-awa. Bumuntong-hininga na lang ako. Nakakapagod. Exhausted na ako. Ang daming ganap kanina. Bigla akong napatingin sa paligid, naalala ko si Monique. May atraso pa siya sa akin. Pero bigla rin siyang nawala. Oo nga pala, kahit anong mangyari, stick pa rin sa orihinal na plano. I leaned my head back against the couch, too tired to argue with my psycho husband anymore. Pumikit ako at hinagilap ang kamay ng asawa ko. Pinatong ko ito sa aking kandungan at banayad na hinamplos haplos. “Sige na, itago mo na ‘yan,” sabi ko habang nanatiling nakapikit. Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin at pagdampi ng mainit

