~Zoran Mendoza-Moretti~ [Revelation] Habang pinagmamasdan ko ang mag-ina ni Mav; si Elziel at si Cindy, walang mapagsidlan ng tuwa ang puso ko. Blooming si Elziel, kasing ganda niya ang pamumukadkad ng cherry blossom tree. Bumalik na ang glow ng dating kagandahan niya. Bagamat ilang buwan pa lang nang namatay si Maverick, naka move on na siguro si Elziel. Sa lugar kung saan malayo sa mapait na alaala, mas madaling makakalimutan ang sakit ng panloloko at pang aabuso. “Don't feel guilty, Love sa pagkawala ni Mav. Pwede naman niya piliin mamuhay ng tahimik at payapa but he chose that to himself. In the first place, siya dapat ang kauna-unahang tao ang na magpo-protekta sa'yo, mag-aalaga pero siya pa ang dahilan ng pasakit mo.” Iyon ang sabi ko sa kanya nang makita ko ang “unspoken guil

