~Marielle Martinez~ [Chapter 7 Book2] “Marielle, gusto mo ba subukan natin?” Nanlaki ang mga mata ko. “A-ano pong susubukan, Sir?” “Alam mo na—” “Hala! Ayaw ko nga, Sir. Virgin pa ako!” hiyaw ko sabay takip sa aking dibdib kahit na balot na balot ng pajama ang katawan ko. “Ano bang iniisip mo?” seryoso niyang tanong. “Ah bakit ano po bang iniisip mo, Sir?” Napa kibit-balikat siya. “Nakalimutan ko na rin. OA mo kasi, nakalimutan ko tuloy.” Ay iba yata ang iniisip niya. Pero ganun pa man, basta ayaw ko. Siguradong kalokohan ‘yan. Sabi nga ng mga kapatid niya eh, huwag ko siyang pagkatiwalaan. “Oa na kung oa. Basta sa asawa ko lang ibibigay ang pagka babae ko,” mahinang sabi ko at napayuko ako dahil sa hiya. “What if… let’s get maried?” Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos ay h

