WARNING ~Elziel Dela Cruz~ [PANAGUTAN MO ‘KO] CONTINUATION OF FLASHBACK… “Gawin nating positive,” bulong ni Maverick sa tenga ko na ubod ng senswal. Saglit akong natigilan at dumulas sa kamay ko ang PT kaya nahulog ito sa tiled na sahig. Hindi ko na nagawa pang pulutin para kumpirmahin kung totoo nga bang negative. Baka kasi… baka sakaling namalik-mata lang ako. Masyadong mahigpit ang yakap ni Maverick sa akin at may kung anong mahika ang mga mata niya na bigla na lang niya akong napapa-amo, para siyang may kryptonite. “Ikakasal na tayo pero kay Zoran ka nakipag advance ng honeymoon. How cute is that?” Napayuko ako sa sarcasm niya. Hindi na nanlaban pa. Na-guilty ako sa sinabi niya. Bukod sa guilt, nakaramdam din ng takot. Iyong tono ng boses niya ay may halong galit kahit kalma

