~Elziel Dela Cruz~
[ALAALANG LIGAW]
“Good morning, Babe.”
Nagising ako sa baritonong boses ng asawa ko. Gusto kong idilat ang aking mga mata pero bakit ang bigat yata ng mga talukap? Inangat ko ang aking braso pero bakit hindi ko kaya? Bakit kahit ang mga daliri ko ay hindi ko maigalaw? Sobrang bigat ng katawan ko. Para bang ako ay binugbog at binalibag o dili kaya’y nahulog mula sa sampung palapag.
Ano ’to? Bangungot ba? Inception? O gising ako pero hindi makagalaw?
Sinubukan kong iangat ang ulo ko pero wala pa rin. Para akong nananaginip nang gising. Hanggang sa biglang may kumislap na isang alaala sa aking isipan. Yung ilaw na kumikinang-kinang. The dreamy night club song na pang 80’s. Yes… I remember myself dancing in the song “It Must Have Been Love”. Nakasuot ng puting corset, nagsasayaw ng malaswa sa hawla. Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko o pagkatapos ay may dumating…
“Monique!” hiyaw ng isip ko.
“Babe, gising ka na ba?” ulit ng asawa ko. May malamig na kamay na dumampi sa aking pisngi at malamang si Mav iyon.
“Bobo ka pala talaga, Ziel. Akalain mo, hindi mo mahuli-huli ‘yung kabit ng asawa mo, eh nasa harap mo lang.”
Parang umaalingawngaw ang boses ni Monique sa loob ng ulo ko, paulit-ulit, parang sirang plaka. At ang sinabi niyang iyon ay nagpa alab sa dugo ko, gumapang sa bawat ugat, nagpagising sa bawat himaymay ng aking kalooban. Para akong sinisilaban ng apoy sa puso, kumulo ang dibdib sa galit. Nabuhay ang aking diwa. Nagising ako mula sa mahimbing na pagtulog.
“Mamatay na kayo!” sigaw ko. I shouted it at the top of my lungs, sweat flowing from my forehead down my cheek. Hingal na hingal ako nang sa wakas ay nagising ako mula sa mahimbing na pagtulog. Bangungot.
“Totoo ba ’yon? Nananaginip lang ba ako? O ginagago niyo talaga ako ni Monique?” bulyaw ko sa kanya. Ang mga mata ko ay nanlilisik. Nanginginig ang kalamnan ko sa galit.
“What are you saying, Babe?” tanong ni Mav sa napakalamig na tinig. “Are you having a nightmare?”
“Bangungot? May hawak ka na syringe! 'yung malaking karayom, kumikislap pa bago mo tinusok sa balikat ko–” Napatigil ako at tinignan ang braso ko. Nakakapagtaka.
“Babe, you're being paranoid over a dream–”
“Paranoid? Panaginip? Yung gamot na tinurok niyo–”
Sinuri ko nang maigi ang aking braso, doon sa parte kung saan tinurok ni Mav ang gamot. But to my dismay, walang anumang bakas ng turok kahit nga galos o pamamaga.
“Ang mga tawanan niyo ni Monique. Ang pagsayaw ko sa hawla. Ang mga mata mo nakatingin sa akin na para akong hayop na ikinulong para paglaruan niyo!”
“Hawla? What the fûck are you saying, Ziel?”
Tumingin ako sa gilid at tinuro ang hawla. But then again, to my dismay, wala na ang gintong hawla. “N-nasaan… nariyan lang–”
Niyakap ako ni Mav at bumulong habang hinahaplos ang braso at likod ko. “You’ve been burned out, Babe. Masyado mo nang ino-overwork ang sarili mo this past few months.”
Tinulak ko siya palayo sa akin. Lalo lang niyang pina-init ang ulo ko.
“Ang kapal ng mukha mo, sinong hindi ma-stress? Niloloko mo ‘ko. Inaalipin mo ‘ko, pinaglalaruan—”
“Bakit hindi muna tayo magpahinga para makalimutan mo muna lahat ng stress? Kung ano ano na ang naiisip mo. Or better yet sa psychiatrist.”
“What, psychiatrist? Ikaw ang dapat magpatingin dahil ikaw ang psychopath!”
Tahimik lang na nakatingin si Mav sa akin kahit na nanggagalaiti na ‘ko sa galit. "Elziel, sa kinikilos, iniisip, at mga pinagsasabi mo, I think between us, mas kailangan mo ng professional help…”
Kalmado lang si Mav habang ako, para na nga akong nababaliw. Hindi ko na alam kung alin ang totoo.
Pilit kong kinalma ang sarili ko. Elziel, isipin mo. Isa-isahin mo.
Kung panaginip lang ’yon, bakit sariwa pa rin ang takot sa dibdib ko? Bakit ramdam ko pa rin ang kirot sa kalamnan ko, parang may pumisil at may humawak kung saan-saan? At ang nakakapanlokong tawa ni Monique tila naririnig ko pa rin na ume-echo sa bawat sulok ng kwarto.
Nilagay ko ang kamay ko sa aking ulo. Parang tinutusok ang sentido ko sa sobrang sakit. Why does it feel so frustrating?
“Babe…” Mas malapit na ang boses niya. Dumampi ang labi niya sa noo ko. “Why not unwind, mag out of town, just the two of us…”
Nang sinabi iyon ni Mav, it felt like it calmed the demon in my head. It's been awhile since the last time na nag-out of town kami. Palagi na lang siyang wala. Palagi na lang akong iniiwan sa malaking bahay. Wala naman kasing kasambahay, yaya, at katiwala. Gusto niya hands-on ako sa lahat. Para raw may silbi ako. Yes, he only sees me as a good-for-nothing wife. Pinaramdam niya talaga sa akin na wala akong kwenta. He wants me to be fully independent on him. Nagbo-book lang siya ng professional cleaner every month para sa general cleaning. Mabuti na lang at nakakausap ko pa ang mga magulang ko. Ang sabi nila, dala lang daw ito ng post partum. Natural lang daw na ganito ang naiisip ko. Lilipas din daw. Tiis na lang at pasensya.
Tumulo ang aking luha. Nanliliit ako sa sarili ko. Kung ano ano na nga ang naiisip ko. Kailangan ko na ngang sumagap ng sariwang hangin.
Niyakap ko si Maverick at nang nahimasmasan na ako ay pinuntahan ko na ang kwarto ni Cindy. Kung ako lang sana ang masusunod ay gusto kong tabi kaming matulog. Two years old pa lang si Cindy, kailangan pang padedehin. Pero pati ang magpaka-nanay sa paraan na gusto ko ay pinagkakait ni Maverick. Ayaw niyang i-breastfeed ko ang anak namin. Basta ayaw niya. Whatever damn reason he has, I know it's all shìtty. Wala kasi akong magawa kundi ang sumunod. Malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa kanya. Siya ang umahon mula sa pagkakalubog ng negosyo ng mga magulang ko.
I am stuck in this mansion, serving my husband as if I were a slave and he, my master. Kaya gano'n na lang ang tuwa ko nang nagyaya siya na mag bakasyon.
Pagkarating ko sa kwarto ni Cindy ay wala na siya roon. Tanghali na kasi kaya baka kinuha na siya ni Monique para pakainin. Nagtungo na ako sa kusina at natagpuan ko nga si Cindy naka-upo sa high chair, pinapakain ni Monique.
“Good morning, Bes. Natanghali ka yata ng gising,” masayang bati ni Monique habang sinusubuan si Cindy.
Napakunot-noo ako. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni Monique, ‘yung pag-amin niya na siya ang kabit ni Mav. Ang nakaka-insulto niyang halakhak habang nakikipagtalik sa asawa ko… parang totoo ang lahat.
Kaya sa sobrang galit ko ay sinugod ko siya at hinila ang kanyang buhok. Nakita ko pa ang bilugan niyang mga mata na may fake eyelashes na lalo pang bumilog sa pagkagulat. Hindi na siya naka-ilag pa sa malakas kong sampal.
“Ziel! Ziel! Anong problema… problema mo?” hiyaw niya habang gigil na gigil akong hinihila ang kanyang buhok. Narinig ko ang pag-iyak ni Cindy pero hindi ko pinansin dahil mas nananaig ang matinding silakbo ng damdamin.
“Kabit ka ni Mav! Walang hiya ka. Paano mo nagawa sa akin ‘to! Pinakain kita, pinatira sa bahay ko—”
“Ziel… Anong pinagsasasabi mo—”
“Ziel! Tama na!”
Natigil lang ako sa pananabunot kay Monique nang inawat ako ni Maverick. Hinawakan niya ang kamay ko pero mahigpit pa rin ang kapit ko sa buhok nito.
Iyak na nang iyak si Cindy. Ang kusinang karaniwang tahimik ay nabalutan na ng ingay at tensyon. Nang marinig ko ang hikbi ni Cindy ay nahimasmasan ako. Binitiwan ko ang buhok niya at walang tigil sa kakaiyak si Monique.
“What the heck are you doing, Ziel?” tanong ni Mav. Bagamat kalmado lang ang boses niya, alam kong galit siya. “Not in front of Cindy,” sabi niya at binuhat si Cindy para tumahan.
“Tinatanong niyo kung anong nangyayari sa akin? Kahit sino mababaliw sa pinaggagawa niyo–”
“Ano bang ginawa namin, Ziel?” umiiyak na tanong ni Monique habang inaayos ang buhok niyang sabog-sabog dahil sa pagkakasabunot ko.
“Paulit-ulit, Ziel…” iyon lang ang nasabi ni Mav habang ako naman ay nanggagalaiti sa galit.
Gusto ko pang makaganti. Kulang pa ang sabunot at sampal. Pero sa gitna ng tensyon, tumunog ang cellphone ko. Wala sana akong balak sagutin dahil ayaw kong palampasin ang dalawang traydor na ito na nasa harap ko pero si Mama ang tumatawag.
Hindi siya tumatawag basta-basta kung hindi naman importante. Nakaramdam agad ako ng kaba…
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…