LUMIPAS Ang mga araw buwan sa buhay ni Francesca Hindi nya akalain tatlong buwan na pala syang nagatratrabaho sa hotel ng mga Choi..
France sama ka sa akin mamaya ha! .. pupunta Tayo sa birthday party ng boyfriend ko".. yaya ni divine
ay! ayaw ko"..di naman ako mahilig sa party eh!.. tanggi nya..
sigi na please. pabayaan mo nalang ba ang best friend mo? Mag isa dun paano Kung mapahamak ako?.. pangungusinsya pa nito'..
pag ganon na Ang usapan ay alam ni frans na wala na syang magagawa pa..
kinagabihan ay sumama na nga sya kay divine.. masyadong magulo Ang lugar nag kalat ang mga lasing..
sis anong lugar to? uwi nalang kaya tayo baka mapahamak pa tayo dito eh!.. pagyaya nya dito.
ay hayaan muna, dito narin tayo eh.. hanapin na lang natin kung saan si joel" Ang boyfriend nito.
hello babe" .. tawag ng kaibigan nya sa lalaking nakatalikod alam nya na Joel na ito..
OH babe! buti nakarating na kayo?.paglingon nakangising wika nito!.. Hindi nya alam Kung ano nakita ng kaibigan nya dito. di naman ito ka gwapuhan Ang pangit PA ng ugali tingin nya dito ay Hindi gagawa ng mabuti..Hindi sa panghusga pero iba kasi ito Kung tumingin,
oh babe buti sumama itong kaibigan mo?... para may partner din itong gwapo kung kaibigan!.. mayabang na turan nito
ah Oo pinilit ko!.. natatawang sagot ni divine.habang sya ay naiinis na. kung alam nya Lang Sana na sa ganito silang lugar pupunta hindi na sana sya sumama pa..
Frans sa jerson Santos pala kaibigan ni Joel".. pakilala ni divine
inabot nya naman Ang kamay nito At nagpakilala na rin dito.. dahil ayaw nya rin maging bastos..
Francesca po pala".. wika nya'..bigla nya itong binitawan ng maramdaman nya na pinipisil nito Ang kamay nya.hindi sya sanay sa ganon.
jerson best friend ni Joel " pakilala nito
so"ikaw pala Ang kinikwento ni Joel na best friend ng girlfriend nya "Alam mo matagal na kita gustong makilala "pagbubukas ng usapan nito..
mukhang matino naman ito.at may hitsyora rin. well mas gwapo ito Kay sa Kay Joel..
ano naman Ang naririnig mo na kwento tungkol sa akin? turan nya"
mabait ka "at maganda " nakangiting turan nito..
kinilig naman sya sa narining ngayon lang May lalaking pumuri at nagsabe na maganda sya.oo! marupok na kung marupok" ngayon lang may isang tao napapansin Ang nakatagong kagandahan nya maliban sa kaibigan at sa kakilala nya!
Frans gusto kitang ligawan"at suyuin'maari ba akong dumalaw sa inyo? turan nito...
hindi sya agad nakaimik dahil kakikilala Lang nila at wala pa syang alam sa mga ganitong bagay.. natatakot sya'
ah e" hindi ko alam"naguguluhang turan nya'
sigi na frans"gusto ko makilala ka pa ng lubos!
napa tango na lang sya,nang sa palagay ni frans na marami ng nainom Ang dalawang lalaki at medyo late narin.. niyaya nya ng umuwi Ang kaibigan nya,
LUMIPAS Ang araw buwan" patuloy sa panliligaw sa Kanya si jerson..Kaya naaawa at nahuhulog na rin Ang loob nya dito..wala naman syang nakita na masamang pag uugali nito..at tulad ni Joel graduating ito sa course na marine engineering..Kaya mamaya balak nya na itong sasagutin..
frans" kamusta naman Ang lagay ko sa buhay mo?..sagutin muna ako Please "
para may karapatan na akong alagaan ka.. paglalambing nito sabay hawak sa kamay Nya.. naka upo sila sa upuang kawayan na nasa boarding house nila.. sya Lang andoon.dahil si divine ay doon na naman sa boyfriend nito sa kabila. tuwing off nila sa trabaho ay doon ito naglalagi..
son" kung sasagutin ba kita' Hindi mo ako sasaktan? tanong nya
hinding hindi kita sasaktan pangako" malambing na wika nito..
sigi sinasagot na kita "Tayo na " aasahan ko pangako mo ha "turan nya
NAGING masaya naman si Frans sa unang buwan nang relasyon nila. pero nitong huling mga araw ay lagi sila nagtatalo. dahilan lagi ni jerson ay lalaki ito at may pangangailangan. kaya napadalas Ang away nila" madalas na rin itong hindi nag papakita sa Kanya.
ilang buwan na tayong magkarelasyon pero wala kaparin tiwala sa akin."Alam mo naman na Mahal kita diba"kung Mahal MO ako dapat binibigay muna sa akin Ang mga pangagailangan ko bilang lalaki pananagutan naman kita eh"!mahabang pangungubinsi nito.
pero ayaw ko ng ganon "Ang gusto ko ibibigay ko Lang ito kung kasal na tayo!.. wika nya.
at tulad nga ng madalas na nangyayari iiwan nalang sya basta nito at ilang araw na hindi magpapakita sa kanya!
Frans tuloy ba Ang lakad mo Mamaya? tanong ni divine' Nasabe nya kasi dito na dadalaw sya sa bahay anponan. pag kaarawan nya kasi pupunta sya sa cementeryo para ipagdasal at dalawin Ang namayapa nyang ina.pagkatapos dadaan sya kina mother fely dahil matagal narin syang Di nakadalaw duon halos limang buwan na.dahil na rin sa pag iipon at madalas na pag Overtime idagdag pa Ang mga date nila ng boyfriend nya pag off day nya ..
Oo sis"matagal narin kasi akong Di nakadalaw kina mother fely'na miss ko na rin sila pati na ang mga bata duon..
sigi sis" ito nga pala gamitin mo para may magamit ka May load na ito text kana Lang mamaya at diko narin ito nagagamit dahil May bago na akong cellphone' binili ko maganda kasi.. ".. sabay abot nito nang lumang cellphone nito..
yun ang isa pa sa ugali ni divine mahilig ito sa materyal na bagay. hindi nya alam Kung nakakaipon na ito dahil mahilig itong bumili ng kahit na ano kahit naman di kailangan.
hiramin ko Lang ito sis".. pero ibabalik ko rin ito sayo"..turan nya.dahil hindi naman sya mahilig dito.binigyan din naman sya ng cellphone ni jerson para may magamit sya pag tatawag ito alam nya May kaya ang pamilya nito.. pero hindi nya tinanggap. hindi dahil sa wala syang hilig. pero lumaki lang talaga syang kailangan mong pag hirapan Ang bagay na gusto mo at ayaw nya na masabihan ng magulang ng boyfriend nya na pera lang nito Ang habol nya...
ma"kamusta na po kayo "sorry po Kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo "naging busy po kasi ako sa trabaho. "at kailangan kung makaipon para sa pangarap ko at para rin makatulong ako balang araw sa mga bata sa bahay ampunan.."pagkausap ni frans sa pungtod ng kanyang namayapang ina.. namatay ito nung ipinanganak sya.. kaya tuwing kaarawan nya ay lagi dun ang celebrasyon nya..
hindi narin nagtagal sa cementeryo si Francesca pagkatapos nya sindihan Ang kandila ay nilisan nya na Ang lugar.
(Rafael )
Mom"how are you 'tita Helena in Eleze How are you guy's.. sana masaya na kayo kung saan Man kayo ngayon. "magkasama sama na kayo.. "syanga po pala ngayon naka schedule ang heart transplant ni tito franco. "gabayan nyo po sya na maging successful ang operation nya po." eleze gabayan mo dady mo ha. kailangan nya pang mabuhay dahil hindi nya pa nahanap ang ate mo". pagkausap nya sa namayapa nyang pinsan. nung nabubuhay pa ito ay Napaka close nito sa Kanya dahil doon din sya nakatira sa tita nya dahil hindi ito pumayag na malayo sya nung namatay sa sakit na kanser ang kanyang ina kahit pa binilin ng mommy nya na kay papa phoenix nya sya maiwan at ang Mag aalaga sa Kanya. pero kinuha parin sya ng tita helena nya. nung una hindi pumayag ang Papa phoenix nya pero kalaunan pumayag narin ito lalo ng madalas ang pangibang bansa nito at Ang daddy tanner nya. dahil doon ang ibang negosyo nito at nadoon din ang mga kaanak ng Papa nya..
dahil ito lang ang nag iisa nyang kaanak Ang tita helena nya na nanay ni eleze.. dalawang magkapated Lang Ang mommy nya at Ang tita helena nya.
tumagal pa ng ilang minutong nanatili si Rafael duon.. Maya maya ay naisipan nya rin ang umalis dahil tumawag ang secretary nya pinaalala nito na May lunch meeting sya..sya na kasi ngayon Ang nag papatakbo ng kunpanya ng tito Franco nya.dahil sa sakit nito sa puso at dagdag pa ang pagkamatay ng tita at pinsan nya..sa pag iisip hindi nya napasin ang pagtawid ng babae sa kalsada at muntik nya na itong masagasaan..
nagmamadali na si Frans sa pagtawid. dahil tanghali na at aabang pa sya ng tricycle baka Hindi nya na maabutan Ang tanghalian ng mga bata. may dala pa naman syang ulam binili nya sa kanto pagka labas nya. .. at dahil sa pag mamadali Di nya napansin Ang kotseng bigla nalang sumulpot kung saan. at muntik na syang masagasaan..
Miss OK ka Lang? tanong ng lalaki habang naka umang Ang kamay para abutin sya.
inangat ni frans ang ulo at nabigla sya. dahil Ang lalaking muntik ng nakabangga sa Kanya ay ang lalaking tumulong sa Kanya sa hotel..
hmm opo ok lang po ako.". nahihiyang sagot nya.. sino ba Ang hindi mahihiya dito bukod na napa gwapo nito ay ubod pa ito ng tangkad at alam nyang napakayaman ng Pamilya nito..sa tingin nya ay nasa late twenties na ito..
Miss ito oh "nagmamadali na kasi ako"pasinsya na sa nangyari "sabe nito sabay abot ng iilang libo na pera..
tinanaw nalang ito ng tingin ni frans hanggang sa mawala na ang kotse nito..gusto man nyang ibalik ang pera nito pero wala na ito.
ay buti nalang hindi natapon ang pagkain"sayang din Kung natapon".. pakausap nya sa sarili
ate Frans"!panabay na sabe ng mga bata. tuwang tuwa Ang mga ito pag kakita sa Kanya.
o hija pumasok kana dito. "buti napadalaw ka na Miss kana ng mga bata nayan ."salubong ni mother fely sa Kanya
ayy opo.. dumaan na rin po ako sa cementeryo..! syanga pala mother may dala po akong ulam at meryenda ng mga bata. turan nya..
nag abala kapa hija..dapat tinabi mo nalang yan para sa pag aaral mo.. wika nito
hayaan nyo na po minsan lang naman po ito...nakangiting turan nya .
hija nagpunta pala dito Ang tita Loraine mo. "at nag iwan sya ng address at numiro ng telepono. turan ni mother fely.
ano po sadya ni tita ..? tanong nya sabay abot sa papel na inaabot ni mother fely
sabe nya kapag May time ka daw.. dalawin mo Raw sya sa address na binigay nya..
hindi rin nagtagal si Francesca sa ampunan.. pagkatapos nya duon ay dumaan muna sya sa groceries para makapamili ng kahit anong pwedeng lutuin para sa kaarawan nya.kahit hindi sya nag hahanda sa kaarawan nya ay Gusto nya parin magluto ngayon para makakain naman sila ng masarap ni divine kahit minsan...
nang nasa groceries na sya ay tumunog ang cellphone na dala nya..
hello "
frans"pasigaw na kilig panbungad ni divine..
bakit sis? tanong nya
sis bilisan mo jan" dito boyfriend mo"...
inaantay ka.dahil e celebrate natin birthday mo"bili kana rin nang maiinom ha.. turan nito.
Ok sis. "masayang turan nya dahil na miss nya na rin ito.dahil halos dalawang linggo itong di nag pakita sa Kanya.
pagkatapos ni frans sa pamimili ay agad na syang bumalik sa kanilang maliit na boarding house. nasalubong nya sa May labas si divine. dahil dadating yong inoder nito na food kaya aabangan daw nito. dahil mahirap pumasok sa loob Ang rider. dahil sa sikip nang daanan.pinapauna na sya nito dahil nag aantay na raw ang boyfriend nya..
papasok na sana si frans sa pinto ng marinig nya. na sya ang pinag usapan ng dalawa.. kaya minabuti nya pakinggan nya lahat para malaman nya ang saloobin nito para sa Kanya..
hanggang ngayon hindi kapa naka iskor sa babaeng yon bro? narinig nya tanong ni joel
wala parin bro.. ang hirap kumbinsihin ang babaeng yun. narinig nyang sagot ni jerson
haha ang tigas pala nang babaeng yun..turan nito..
baka nakahalata yan bro na May fiance kana at malapit na ikakasal.. turan nito na ikabigla nya..
wala bro.. nag iingat naman ako...narinig nyang wika ni jerson
paano na pala yan Kung ikasal kana tapos mabuntis mo ang babaeng yan? baka yan pa ang pag awayan nyo ni cheska. turan ulit ni joel..
kahit nasasaktan si frans patuloy parin syang nakikinig. Gusto nya malaman ang lahat..
hindi ko hahayaang mangyayari yan bro.. alam mo namang mahal ko si cheska at nabibilang sya sa maayos at mayamang pamilya.. turan ni jerson
frans"tawag ni divine
lumingon si frans. at nakita nya si divine na nakatingin sa Kanya sa tinging simpatya na mga mata..
frans" I'm sorry..Wika ni divine
pinahid ni frans ang kanyang mga luha.. hindi nya napansin na kanina pa pala sya lumuluha.nakangiti syang humarap kay divine.
ok lang yon at least nalaman ko ng maaga diba.. nakangiti nyang turan pero sa loob nya ay nasasaktan sya.
I'm sorry frans kasalanan ko.. kung hindi kita pinakilala sa Kanya.hindi ka sana nasaktan ngayon.. mahabang paliwanag nito
ok lang "tara na pumasok na tayo.. yaya nya dito
nang pumasok na sila sa loob ay parang natuklaw ng ahas ang dalawa.. pero hindi pinansin iyon ni frans.. nasasaktan sya at ayaw nya nang magmukhang tanga pa.. kaya hindi nalang sya umimik..
pero hindi si divine.. galit itong nilapitan si jerson..
anong ginawa mo ha."niloloko mo lang pala ang kaibigan ko. walang hiya ka "Kung alam ko lang hindi na sana kita pinakilala sa Kanya.. galit na turan nito sa harap ni jerson
sis tama na".. ayaw Kung mag mukhang kawawa dito hayaan muna xa."wika nya sa mahinang boses habang hinihila si divine..
at bakit "sino ba magkagusto sa kaibigan mo na yan talo pa si maria clara Kung manamit.buti nga kahit papano pinatulan ko yan ."sagot ni jerson sa pang uuyam na boses.
abat gago ka talga noh.. galit na galit na rin si divine..
pero si frans ay parang nanghihina.. pinapamukha lang nito kung gaano kababa ang pagkatao nya.. hindi lang sakit sa puso pati na buong pagkatao nya sinaktan ni jerson.nang di na nya Matiis Ang pag sagutan ng dalawa ay galit nyang hinarap si gerson.. .
please umalis kana"at wag kana magpakita pa sa Akin..umiiyak na turan Nya sabay pasok sa kwarto nila . naririrnig nya parin ang ingay sa labas. nagsasagutan sina divine at ang boyfriend nitong si joel pero wala siyang paki alam.nakatuon sa sakit at pagkahabag sa sarili ang Nararamdaman nya...
to be continued