Hanggang sa--- makarinig kami ng ilan pagsabog malapit lang sa lugar kung saan kami nagbabantay. At sa lakas ng pagsabog ay maraming gusali ang bumagsak, kasabay ng maraming pagputok ng baril, kaya naman naging alerto ang mga kasamahan ko. Malayo pa lang ay nakita na namin ang maraming sasakyan at may sakay na mga armadong lalaki at lahat sila ay may mga baril, tuwa-tuwa pa ang mga ito sa pagpapaputok nila ng baril. Kaya naman ay tumago kami ng mga kasamahan ko dahil sa deriksyon namin sila pupunta. Nang makalapit na ito sa tapat namin ay sabay-sabay kami ng mga kasamahan ko nagpaulan ng bala sa kanilang sasakyan. Binaril ko rin ang gulong ng mga sasakyan nila, para hindi sila makaalis sa lugar. Mabilis naman nagsibabaan ang sakay ng sasakyan na nakasunod sa nangungunang sasakyan, ka aga

