Hapon na nang makarating ako sa bahay na inuupahan ko. Agad kong hininto ang motor na aking nakuha, hindi ko na kasi nakita ang may-ari ng motor. Kaya dinala ko na lang muna. Kapag nakita ko na lang ang lalaki roon ko isasauli.
Sakto rin dahil may magagamit ako sa mission ko. Ito ang gagamitin ko pagbalik ko sa kuta ng mga target ko.
Bumaba na ako sa motor at nagpalinga-linga ako sa paligid bago ako tuluyan pumasok sa pinto ng bahay na inuupahan ko. Pagpasok ko ay sumandal ako sa sofa. Naisipan ko naman na tawagan ang boss kong si boss Niel.
Kinuha ko ang telepono ko na nasa bag at nagmadali na ako na tawagan ang boss ko. Para ipaalam ang nasaksihan ko kanina.
Nag-ring naman ang cellphone nito. Hanggang sa agad naman itong sinagot.
“Agent Nathalie,” bungad na salita mula sa kabilang linya.
“Boss Niel, may maganda akong balita sa ‘yo tungkol sa mga nawawalang bata rito sa Sta. Maria, kaya napatawag ako sa ‘yo. Nalaman ko na rin kung pano nila hinihikayat na sumama sa kanila ang mga bata, nalaman ko rin kung saan sila naglulungga,” tuloy-tuloy na paliwanag ko kay boss Niel.
“Mabuti naman kung ganon Agent Nathalie. Magandang Balita nga iyan, dahil hindi ka na mahihirapan pang hanapin sila. So, ano pang hinihintay mo. Puntahan mo na sila at hulihin. Iligtas mo ang mga bata,” tugon ng lalaki.
“Boss, huwag tayong magpadalos- dalos, dahil nasaksihan ko na marami ang bantay sa loob. Kitang- kita ng dalawa kong mata na pinaliligiran ito ng mga armadong lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay malaki silang grupo. Hindi ko alam kung sino may hawak sa kanila--- Kaya naman kailangan kong paghandaan ang pagsugod sa kanila.
“Natatakot ka ba sa kanila, Agent Nathalie?” natatawang tanong ni boss Neil.
“Hindi naman boss kilala mo ko ‘di ba? Wala akong inaatrasan na laban. Pero buhay ng mga bata ang nakasalay rito. Kung susugod ako nang wala man lang plano. Baka hindi ko mailigtas ang mga bata.
Don’t worry boss, I Will be may best, ako ang bahala sa mission na ito. Kailangan ko lang maghanda at pag-isipan ang mga gagawin ko para makapasok ako sa loob ng ‘di nila nalalaman kung ano ang sadya ko…” mahabang litanya ko sa aking boss.
“Sige Agent Nathalie, may tiwala naman ako sa ‘yo, ikaw na ang bahalang dumiskarte kung paano mo maliligtas ang mga bata. Mag-iingat ka sa mission na ito. Kapag kailangan mo ng tulong. Tumawag ka lang at magpapadal ako riyan ng mga NBI.”
“Sige boss salamat. Lalo sa pagtitiwa sa akin sa mahabang panahon. Sana magtagumpay ako sa mission na ito.”
Hindi naman nagtagal at ka agad naman naputol ang pag-uusap namin. Huminga ako ng malalim. Nag-isip na ako ng plano kung anong gagawin ko para makalapit ako sa lunga nila.
Naisip ko magbalat kayo bilang nagtitinda ng balot dahil sa gabi ako magmamatyag sa grupo na iyon. Aalamin ko rin kong ano pangalan ng grupo nila. Ngunit bago iyon ay magpahinga muna ako dahil pupunta ako sa palengke para bumili ng gagamitin ko para sa pagbenta ko ng balot. At bibili na rin ako ng balot na ititinda ko.
Nagtungo na nga ako sa kwarto ko ka agad naman bumagsak ang katawan ko sa kama. Dinalaw agad naman ako ng antok kaya wala akong magawa kundi matulog.
Matulin naman lumipas ang buong magdamag, mataas na ang araw ng ako ay magising.
Sakto naman ang pagkakatulog ko. Sari-sari na tunog sa paligid ang naririnig ko. Kaya nagdesisyon akong bumangon, naghanda na rin ako nang makakain ko.
Sakto namang may stock akong delata kaya ito na lang ang inulam ko. May kanin pa naman konti sa rice cooker. Dahil minsan lang ako sa bahay kaya madami pa ang natirang pagkain.
Nagmadali na akong kumain at pagkatapos ay naligo na ako. Hindi naman nagtagal ay nakapagbihis na rin ako. Simple suot lang ang suot ko. Nakasando lang at maikling short tapos jacket. Terno sa tsenelas. Masasabi pambahay lang talaga, dahil malapit lang ang palengke rito.
Lumabas na ako sa pinto ng bahay tapos ni-lock ko itong pinto. Nilakad ko lang ang palengke. Dahil malapit lang ito sa inuupahan kong bahay. Nagpunta mo na ako sa ukay-ukay. Kaya agad akong pumasok sa loob para mamili ng masusuot ko. Iyong magmumukha akong vendor.
Hindi naman ako nagtagal sa loob mabilis na akong nakapili. Lumabas ako ng ukay-ukay at nagtungo ako sa tindahan ng mga balot sa loob ng palengke. Pansin ko ang mga matang nakatingin sa akin, siguro ay nagagandahan sila sa itsura ko. Dahil maganda ako. Kahit may mga nanunuyo pangsugat sa mukha ko. O dahil sa suot ko kaya lahat sila nakatingin sa akin. Mabilis naman akong nakabili ng balot isang trey lang dahil isang lugar lang naman pagbebentahan ko.
Naglakad na ako pabalik sa bahay na inuupahan ko. Dahil malapit lang naman. Binuksan ko ang pinto at binaba ko sa mesa ang mga pinamili ko. Bago ako nagpahinga.
Hihintay ko lang magdilim bago ako babalik sa lugar kung saan nakita ko ang mga bata. Kailangan kong alamin ang pasikot-sikot sa loob na iyon. Kailangan kong siguraduhin kung pano ko sila madaling matatalo kahit napakarami pa nila.
Nagpunta ako sa kusina para lutuin ang balot na binili ko. Para itinda. Sinalang ko na ito sa kaserola na may tubig nilagayan ko ng asin at luya para naman masarapan sila at matagalan sa pagmamasid. Habang hihintay kong maluto ang sinalang kung balot ay napatingin ako sa labas ng bintana.
Medyo nawawala na ang araw at malapit na rin magdilim. Napansin ko sa relo kong pambisig na suot na alas-singko na ng hapon.
Kailangan ko na mag-asikaso, kaya naman nagbihis na ako. Nakapantalon akong maaong tapos naka sapatos na boots. Sandok at leather jacket.
Pagtapos ay binalikan ko ang niluto ko. Sakto naman at luto na kaya naman nilagay ko ito sa binili kong basket. Matapos takpan ng damit. Inilagay ko naman sa bag ang binili kong kasuotan nagagamit ko. At bago ako tuluyan lumabas ng bahay. Ay kinuha ko ang 357 Kong baril at sinuksok sa likod ko.
Lumabas na nga ako sa bahay. At sumakay ako sa motor na mabilis ko naman itong pinatakbo patungo sa lugar ng mga target.
Ilang oras din ang biyahe ko bago ako makarating sa lugar ng pinagpupugaran ng mga target ko.