Chapter 33 Silvana "So anong problema ng demonyong ito?" Taas ang isang kilay na tanong sa akin ni Victor habang nakatitig siya sa walang malay na si Rafael. Dalawang oras ng tulog ang lalaking ito at kanina pa namin siya hinihintay na magkamalay pero walang pagbabago. Uminit pa ang temperatura niya at mukhang lalagnatin, buti na lang talaga at napakiusapan ko si Johan na kami muna ang mag-aalaga sa lalaking ito. Hindi rin kasi ako mapapakali, knowing na hindi maganda ang kalagayan niya. Malungkot kong pinasadahan ng basang bimpo ang noo niya papunta sa kaniyang leeg. "Meroon siyang lagnat, siguro dahil sa mga sugat na nasa likoran niya?" Napairap si Victor sabay iwas ng tingin. Hindi siya makapag salita ng masama bgsyon dahil nakita niya kanina kung gaano kasama ang lagay ng sugat

