Chapter 27 Silvana Ah, bakit siya nagkakaganiyan? Parang kailan lang pinagbantaan pa niya ako at tinakot pero ngayon... Nandito siya sa tabi ko at sinasabi sa akin kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya, nandito pa siya sa tabi ko at kinukwento sa akin ang mga bagay na dapat sa loob loob lang niya kinikimkim. Anong nangyayari kay Rafael? Napakalaking palaisipan nito para sa akin. Malungkot akong napatingin sa mga kamay kong nanginginig. Ayokong bitawan yung tasa kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko rito. "Do you want to experience what it feels to be like me?" Biglang tanong nito. Hindi ako makapaniwala, tinanong niya kung gusto kong maexperience na maging siya?! Anong klaseng kalokohan iyan?! "Hi-Hindi ako na-nakikipaglokoha-" Tumingin sa akin ang lalaki. Yung t

