Chapter 29 Silvana "Anong meroon dito sa lugar na ito?" Nagtataka kong tanong kay Victor ng madaanan namin ang karatula na nagsasabing "Welcome to brgy.vincente." Kaya pala kanina pa kami bumabyahe ay malayo layo ang lugar na pupuntahin namin. Hindi man lang ako nainform... "Naalala mo pa ba si Sebastian?" huh? Syempre naalala ko pa si Sebastian. Bakit ko naman makakalimutan ang lalaking iyon? "Oo naman, bakit ano bang nangyayari? " Pansin ko ang biglaang paghigpit ng hawak ni Victor sa manibela. "He is dead." Diretso ang toning wika ni Victor, sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay muntik na akong mapabalikwas sa aking kinauupan. "Anong pinagsasabi mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Victor. Napabuga ng hangin ang kasama ko bago nito inilapag sa aking harapan ang isang

