Chapter 49 SILVANA After our class, balak ko na sanang dumiretso pauwi sa bahay namin pero napatigil ako ng may maaninag akong pamilyar na kotse na nakaparada sa may hindi kalayuan. Parang nakita ko na ang kotseng ito pero bakit nandito ito sa harap ng karinderya rito sa tabi ng eskwelahan namin? Kulay itim ang kotse at halatang luma na ito, kung susukatin ko ay apat na tao lang ang pwedeng sumakay sa kotse na iyan. Tumigil ako saglit sa paglalakad at kunwari ay may hinihintay dito sa gilid ng gate. Madadaanan ko kasi yung kotse at hindi maganda ang pakiramdam ko lalo na meroong tabing ang plaka nito. "Tsk, akala mo kung sino." "Tignan mo ngayon walang sumusundo sa kaniya." "Baka nagsawa na sa kaniya si Victor?" Nagpantig ang aking mga tenga ng marinig ko ang usapan ng dalawa

