Chapter 6 : "What if?"

2154 Words
Chapter 6 SILVANA Kung hindi pa sumigaw yung driver ng jeep na nakarating na kami sa kanto ng lugar namin ay hindi pa ako makakababa at makakauwi sa amin. Dahil sa pakiramdam na parang may sumusunod sa akin ay nagmamadali akong umuwi papunta sa bahay namin, hindi na ako nag-abala pa na sumakay ng mutor at naglakad na lang. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, napakabilis din nito na animoy hiinahabol ako ng kung sino. Siguro dala ito ng pagod at pagka balisa lalo na at kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko. "Apo nakauwi ka na pala?" Wika ni lola ng makapasok ako sa maliit at luma naming bahay. Hindi ko siya pinansin. Nagulat pa nga si lola ng makita ang itsura ko at akmang magsasalita muli ng mabilis akong tumakbo papunta sa aking kwarto. Padabog kong isinara ang pinto sabay tapon sa kama ng aking bag. Nasa dura box yung gamot, ang alam ko may natabi ako doon. Kahit isang piraso lang, kailangan ko ng isang piraso. Hinihingal akong lumapit sa dura box at dahil sa pagmamadali ay hiniklat ko na ang isang box kung saan nakalagay ang mga gamot, tumapon pa ang iba rito pero ng matanaw ko ang gamot ko ay dali dali ko itong kinuha. Gamit ang nanginginig at hindi mapakali kong mga kamay ay binuksan ko ito at kumuha ng isang piraso. Agad kong pinasok sa bibig ko ang gamot bago ako nanghihinang napa upo sa malamig na sahig. Anong nangyari sa akin? okay na ako nitong mga nakaraang araw pero ngayon...Umatake na naman yung sakit ko. Nakakapagod, nakakatakot at nakakahiya. Sa dinami dami ba naman kasi ng tao sa mundo. Bakit ako pa? Anong naging kasalanan ko para ako pa ang magkaroon ng ganitong klase ng sakit? Miski ako ay natatakot sa sarili ko, natatakot ako sa oras na mawalan na akong ng realidad at kainin ako ng schizophrenia na ito! Bakit ako pa? Tumulo ang aking mga luha, nung una ay iilang piraso na lang ito hanggang sa namalayan ko na lang na humahagulgol na pala ako. Ang hirap kasi. Pa-Paano kung nakita ni Rafael ito? Paano kung nalaman niya na may sakit ako? Paniguradong mawawala sa akin itong scholarship na ito kasi iisipin nila na ba-baliw ako at sayang lang ang pera nila. Babalik na naman ako sa dati. Walang pangarao at direksyon, ang tanging iniisip lang ay kung paano mabubuhay sa pang araw-araw. Ay-Ayoko ng bumalik sa dati. Gusto ko na ito... Gusto kong matapos itong pag-aaral ko. Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa sobrang inis. Ku-Kung iinom ako ng gamot araw-araw, posible ba na mahinto itong sakit ko? Nag-angat ako ng tingin upang pagmasdan ang bote na naka kulong sa akin'g palad. Dito naka lagay ang mga gamot ko at sa ngayon meroon na lang anim na tableta ang natitira sa loob nito. Pang anim na araw, meroon pa akong iinomin sa loob ng anim na araw. Pagkatapos niyon, wala na aong gamot. Saan ako kukuna ng gamot? Sobrang mahal nito sa botika at wala pa kaming pera. May sakit si mama at kailangan ni Joice ng pera para sa pag-aaral niya. Hindi ko maisisingit itong gamot ko, hindi rin ako pwedeng humingi ng tulong sa iba dahil pag nalaman nila na may schizophrenia ako, iisipin nila baliw ako. Malalaman iyon ng mga Rowling ta-tapos mawawalan ako ng scholarship. A-Ayokong mangyari yon! Hindi pwedeng mangyari yon! Inilapag ko ang bote sa sahig bago ako tumayo at nagmamadaling pumasok sa banyo, binuhusan ko ang aking mukha ng malamig na tubig at ng maramdaman ko ang lamig nito sa aking mukha. Muli akong nakahinga ng maluwag. Relax, kailangan kong mag relax. Hindi dapat ako mag panic. Makakaya ko ito, makakahanap ako ng pambili ng gamot bago pa maubos yung nasa bote. Madali lang naman humanap ng pambili... Madali lang makahanap ng pera para sa isang katulad ko. Umti unti akong napaangat ng tingin hanggang sa napagmamasdan ko na ang sarili kong repleksyon sa salamin. Namumula sng aking mga mata, basang basa ang aking mukha at gulo gulo ang aking buhok. Konting ayos lang at ngiti, paniguradong makakakuha na ako ng pera. Madali na lang iyon para sa akin. Habang nakatitig pa rin sa sarili kong repleksyon ay kinuha ko ang twalyang nakasabit sa gilid atsaka ko ito ginamit upang punasan ang aking mukha. Mamayang gabi, makakakuha ako ng pera. - "Silvana, pinasasabi ng mama mo na hindi muna siya makakauwi ngayong gabi. May trabaho pa siya kina martha." Imporma sa akin ni lola habang abala kaming lahat sa pagkain ng hapunan. Nilagang talong at okra ang ulam ngayon, masarap na ito para sa amin ni lola pero para kat Joice? Piraso lang ito ng mga damo. Ayaw na ayaw niya sa nga gulay pero ano bang magagawa niya? As if namang may pambili kami ng karne eh ang mahal ng mga karne ngayon. Buti sana kung madali lang humanap ng karne... Napatitig ako sa aking palapulsuhan at napangiti ng tipid. "Ano pong trabaho ni mama doon? Ang alam ko umalis na siya roon dahil pinahihirapan siya ni aling Martha?" Tanong ko kay lola habang nakatitig pa rin ako sa aking palapulsuhan, pinagmamasdan ko kung paano ito gumalaw. "Ah wala na tayong pera at naniningil na yung inutangan ng mama mo. Kailangan daw niyang kumayod." Sagot ni lola sa akin. "Kanina pa po ba siya umalis?", Tanong ko ulit. "Oo, kanina pang tanghali yung mama mo doon. Pagkatapos niyang maglaba umalis na agad siya para kumuha ng raket kay Martha." Tipid akong napatango at kahit na hindi ako sang-ayon na nagtra-trabaho si mama kay aling Martha, wala pa rin naman akong magagawa kaya nanahimik na lang ako. "Ate may pera ka ba diyan?" Napaangat ang aking tingin at tumuon ito kay Joice na hawak hawak pa rin ang kaniyang telepono. "Bakit? Saan mo ba gagamitin?" Kunot noo kong tanong sa kapatid kong nagawa pa akong irapan. "Wala na akong load, kanina pa nagte-text yung mga kaibigan ko hindi ko man lang mareplayan." Inis na reklamo sa akin ng nakakabata kong kapatid. Kung minsan gusto ko talagang ibaon sa mukha ni Joice yung mga tinidor na nandito sa mesa. Sa sobrang dami ng problema namin talagang iniisip pa niya kung makakapag reply siya sa mga kaibigan niya! Nakakagigil! Miski si lola ay napatigil sa pagkain at hindi makapaniwalang napatitig sa nakababata kong kapatid. "Joice naghihirap na yung mama mo roon, iyan pa ang in-" Hindi man kang pinatapos ni Joice si lola dahil pagkatapos umirap ng babae ay dinampot ang kaniyang earphones at pinasak sa magkabila now yang tenga. Nagkasalubong ang tingin namin ni lola. Aba't sumosobra na talaga itong babaeng ito! Hindi porket himahayaan siya ni lola magiging ganiyan na siya. Akmang hahablutin ko na ang earphones ng kapatid ko ng agad na hunawakan ni lola ang aking kamay, nagtataka kong tinapunan ng tingin ang matanda. "Hayaan mo na apo, ganiyan lang talaga pag bata." Malungkot na wika ng matanda, pero hindi ako nasiyahan. Gusto kong turuan ng leksyon itong kapatid ko, matagal ko ng gustong gawin ito! Pero lagi silang pumipigil. "Lola hindi na po maganda yung ginagawa niya!" Singhal ko sa matanda. Napasimangot si lola bago ako dahan dahan na inilingan, dahil doon ay nanlambot ang aking mga kamay at awtomatikong nawala ang panggigil na naramdaman ko kani-kanina lang. "Hayaan mong ang tadhana ang gumawa ng karma, balang araw mararanasan din ni Joice kung anong nararanasan ko." Inismiran ko si lola. Hays, ganiyan naman sila. Lagi nilang kinokonsinti iyan kapatid ko kaya hayan. Naging bastos at walang modo. Alam ko naman na mali ang manakit para itama ang isang mali pero kung hindi kasi tayo gagamit ng dahas, walang mangyayari. Walang madadala at matatakot. Lala lang ang sitwasyon at hindi matitigil ang dapat matigil. "Alam mo ba noong bata ka ganiyan katigas ang ulo mo." Simula ni lola. Napaikot ang mga mata ni Joice bago uto padabog na tumayo at lumakad paalis, mas lalong tumalilim ang pagkakatitig ko sa pigura ng babae. Kung siguro nakakamatay lang ang titig? Baka kanina pa patay itong kapatid ko. Natigil lang ako sa pagtitig ng masama kay Joice ng maramdaman ko ang pagpatong ng palad ni lola sa akin'g kamay. "Ang sabi ng papa mo bago siya mamatay, alam niya na balang araw magbabago ka at magagawa mong abutin ang mga pangarap mo." Napabuntong hininga ako. Dinamay na naman kasi ni lola ang taong iyon, ang lalaking nang-iwan sa amin simula noong sampung taong gulang ako. "Lola, wala na po si papa at baka hindi na mangyari yung gusto niya na yon." Tutol ko kay lola. Mahina namang napatawa ang matanda sabay dampot sa plato niya ng isang pirasong okra. "Kung maniniwala ka, walang imposible." Dagdag pa niya bago sinubo ang natitirang okra na nasa kaniyang plato. Napabuntong hininga at iling na lang ako. Kung siguro buhay pa si papa, baka hindi ganito ang buhay namin. Siguro masaya kami, walang stress at problemang iniisip? Ang hirap kasi talaga pagnawalan kayo ng haligi. Parang nagiba yung bahay niya ng walang kalaban laban. Bigla kayong naging marupok at mahina tulad na lang ng nangyayari sa amin ngayon. Nawalan na ng direksyon ang pamilya na ito simula ng mamatay ang haligi ng amin'g tahanan. Napabayaan si Joice, nawalan ng kulay ang buhay ni mama at naging ganito ako. Malungkot at miserable. "Aalis po ako lola." Bago pa ako maiyak ay iniba ko na ang topic namin. Napatigil sa pagnguya ang matanda. "Gabi na, saan ka pupunta?" Tanong niya. Sumubo ako ng okra bago ko naisioang sagotin ang tanong niya. "Sa bahay po ng kaibigan ko, gagawa lang kami ng project. Pasahan na kasi bukas." Wala akong kaibigan kaya obvious naman na nagsisinungaling ako, pero hindi alam iyon ni lola dahil ang alam niya marami akong kaibigan sa school. Puro masasaya kasi ang kinu-Kwento ko sa kaniya kahit na hindi naman masaya ang buhay ko sa school. Bukod sa mga projects at research, wala na akong kasama o kaibigan pagdating sa lugar na iyon. Grupo grupo na kasi sila. Nakakahiya naman kung makikisama pa ako. "Mag-iingat ka." Bilin sa akin ng matanda, pagkatapos niyon ay natahimik na ang hapag kaya naman mabilis na tapos ang hapunan ko. Iniligpit ko ang mga plato at itinabi ang pagkain na para kay mama bago ko inurungan ang mga kaldero at plato na ginamit. Nang matapos ako ay lumapit ako sa kwarto kung saan natutulog si lola, kurtina lang ang tabing dito sa kwarto niya kaya nasilip kong tulog na siya. Maaga talagang natutulog si lola. Pagkatapos ng hapunan ay magpapahinga lang siya saglit bago pumunta sa kwaro para matulog. Habang si Joice naman nandoon na naman siguro sa bahay ng nobyo niya. Malaya akong makakalabas ng bahay ng walang kahit anong problema. Lumakad ako papunta sa aking kwarto, naligo at nag-ayos bago sinuot ang pinaka mahikli at lantad na damit na meroon ako. Naglagay ako ng make up at siniguradong walang makakakilala sa akin. Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay pumunta ako sa kusina at lumabas sa pinto na nandito, dito ako sa likod lalabas para hindi ako makita ng mga kapit bahay at kamag-anak namin. Hindi nila pwedeng malaman na ginagawa ko ito, walang dapat makaalam. - "Mader Sonya, bakit parang ngayon ko lang nakita yung lalaking iyon?" Tukoy ko sa lalaking nasa table 4, kanina pa sa lamesang iyon yung lalaki. Umiinom ng alak at mukhang may balak na magpakalasing. Nagtataka lang ako kung bakit hindi siya tumatawag ng mga babaeng aaliw sa kaniya eh mukha naman siyang may pera pambayad sa one night stand. "Ngayon ko nga lang din nakita iyan dito, lapitan mo at baka maka jackpot ka." Utos sa akin ng pinaka pinuno namin dito sa club. "Pag wala akong nakuha rito babawasan ko yung porsyento mo sa nga tips." Banta ko kay mader Sonya pero inirapan lang ako nito. Sino kaya iyang lalaki? Kilala ko na halos lahat ng tao rito sa club pero siya? Ngayon ko lang siya nakita. Mas nillitan ko pa ang aking tingin upang sipatin ang misteryosong lalaki, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng hoodie at salamin pero parang pamilyar ang bulto ng katawan niya. "Baka naman may oras ka?" Biglaang tanong sa akin ng isang customer bago ko naramdaman ang paghaplos ng kaniyang palad sa isang parte ng aking pwetan. Muntik pa akong mapakislot, buti na kang at nakabawi ako agad. Nang-aakit kong nginitian ang lalaki. "May nauna na sayo." Asik ko sa kaniya, napasimangot tuloy ito. "Sino?" Inis niyang tanong kaya nginuso ko yung lalaki na mag-isang umiinom sa isang sulok. "Tsk, bukas nandito ka ba?" Tanong niya na sinagot ko ng nakakaakit na tingin. Kailangan ko ng pera pambili ng gamot. Siguradong nandito ako bukas. "Ikaw ang una bukas." Napangiti ng sagad ang lalaki. "Sabi mo iyan." "Hmmm" Dumukwang ito upang sakupin ang aking labi at wala akong naging pagtutol dahil sanay na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD