"Lezgooo mga, marupokpok!" Vettinah excitedly said, and dragged us into the entrance of the Stadium. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob,ay dinig na dinig na namin ang malalakas na hiyawan doon. "Ang daming malalandi," bulong ko. "I mean ang daming nanonood." Tinawanan lamang nila ako. "Wow!" I exclaimed. Punong-puno ang loob ng stadium. Tune up game lamang ito, pero parang nasa finals na. Grabe, ganito pala talaga ang hatak ng mga Rosalimans at Vincentenians. Even noong nasa public school pa ako, ay matunog na ang dalawang team na 'to. SRCS and SVSF are great rivals. I even saw some posts on confession pages, and online rambulan between the two school. This was my first time watching their game. Kapag mismong APSTAP na kasi, ay exclusive lamang ang tickets for Rosalimans,

