My fingers made their way to the end of my ponytail. I automatically smiled, as I saw myself in the mirror. Inuutusan ako ni mama, na mag-grocery. Tinatamad ako, pero wala akong choice. Kailangan ko munang maging sipsip for a while para payagan ako ulit gumala sa susunod. "Tatiana!" Rinig kong sigaw ni mama habang ako ay naglalakad pababa sa hagdan. "Sa grocery store lang ang punta mo, wag ka nang magpaganda." "Ma, maganda na ako kahit hindi ako magpaganda." Binigay nito sa akin ang listahan ng mga kailangan kong bilhin. "Mag-ingat ka," paalala pa nito sa akin bago ako umalis. "Opo, Ma. Mag- iingat ako kahit hindi ako iniingatan." Napa-iling na lamang ito sa sa kalokohan ko. Akala niya ay nagbibiro lamang ako, pero totoong hindi ako iniingatan. Minsan mabait si mama, pero madalas ay

