Tahimik ako sa biyahe pabalik sa Manila. Jeysi didn't bother to asked me why. Hinayaan niya lang ako, hanggang hindi kami maka-uwi. "Coffee or Tea?" I offered to him. Hinatid niya ako sa unit ko, at nag-stay muna sandali dito para magpahinga. Ipinasok ko muna sa study room ang mga gamit ko, at nagbihis ng loose shirt with dolphin short, and tied my hair into a semi bun. Binalikan ko siya, at naabutan siyang tulala habang naka-upo sa sofa. Pabiro ko siyang tinapik, at mukhang nagulat naman siya sa ginawa kong 'yon. "Coffee or tea?" Ulit ko. "Beer, wala?" Pabiro niyang tanong, at nagtaas baba pa ng kilay. Humalakhak siya ng ibato ko sakanya ang nadampot kong unan sa couch. "Bear brand kasi 'yon, Tat. Hindi pa tapos, nag-rereact ka na agad, halatang uhaw din sa alak amp." Tatawa-tawa niy

