Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang muli kong pagbigyan ang sarili ko na muling magmahal, at maging masaya. Binigyan ko siya nang chance para patunayan ang sarili niya, ang nararamdaman niya, at mukhang hindi naman ako nagkamali sa ginawa kong 'yon. Sana. Sana nga hindi. Walang araw at oras na hindi niya ipinaramdam sa akin na mahalaga at espesyal ako. Masarap pala sa pakiramdam kapag alam mong mayroong isang tao na takot mawala ka, at iniingatan ka. Isang tao na interesado sayo, sa araw mo, sa lahat ng nangyayari sayo, 'yong willing makinig lagi sa rants mo. One call away kumbaga. "Saan tayo pupunta, Leo?" I asked. Paggising ko ay nasa bahay na siya. He prepared our breakfast. Sobrang sipsip niya sa bahay. Legal kami both sides. My father didn't agreed at first, pero kalaunan

