Manghang nilibot ni Jeff ang mga mata sa buong paligid habang nakatayo siya sa balkonahe ng bahay ng pamilyang Stonex. Kahit sa panaginip niya hindi niya makikita ang ganitong kagandang lugar. Napangiti siya ng yumakap ang nobya mula sa likuran niya. "Dito isinilang si Mama at ng mga Titas ko," anito. Pumihit siya paharap dito at niyakap ito. "Pakiramdam ko nga nasa ibang dimensyon ako ng mundo," aniya. "Totoo naman yun,"anito na kinalaki ng mga mata niya. " Oh?" "Napapalibutan ng mahika ni Lola ang buong Sagradong-gubat ,ito ay para ikubli ang lugar na ito mula sa mga tao.." Hinila siya ng nobya hanggang sa marating nila ang salas. Pinakatitigan niya ang malaking larawan na nakasabit roon. "Sila ang ama at ina nina Mama at ng mga Tita ko," anito. "Pareho silang lobo?" aniya ha

