Hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi niya habang nakaakbay siya sa balikat ng kasintahan. Kasulukuyan sila nasa may Hardin habang nakatingin sa kalawakan na puno ng bituin. At tama,kasintahan na niya ang dalaga. Kinuha niya ang palad nito na hiniwa nito kanina at namangha siya ng makita na wala kahit anong bakas na nahiwa iyun. Hinaplos ng hinlalaki niya ang bahagi na sinugatan nito kanina. "Nakakamangha..kusang gumaling ang sugat mo," mangha niyang usal. Tumawa ang dalaga sa sinabi niya. "Gusto mo makita ulit?" nakangisi nitong baling sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. "N-no..ayoko,ahm,ano..takot akong makakita ng dugo saka please lang wag mo ng uulitin yun,"aniya sabay buntong-hininga. " Okay,I won't do that again!"anito. Pinatakan niya ng halik ang noo nito. "Wait," ma

