Tila sasabog ang ulo niya habang iniisa-isa ang mga nalaman niya tungkol sa tunay na pagkatao ni Sana'a. Wala siya maunawaan pero iisa lang ang naiintindihan niya. Magkaiba sila ng pinagmulan ng lahi ng dalaga. Tao siya at isang lobo naman ang dalaga. Pero paano nangyari iyun? Paano naging totoo ang isang kwento lang sa libro? Nasapo niya ang ulo ng kumirot iyun. "Inumin mo ito para marelax ka," pukaw sa kanya ng Mama ni Sana'a. Nanatili siya sa bahay ng mga ito. Nag-alala siya kanina ng mawalan ng malay ang dalaga. Nakahinga lang siya ng maluwag ng sabihin sa kanya na kailangan lang ng pahinga ng anak nito. Hindi pa raw ito nagpapahinga mula ng makabalik ito mula sa pinuntahan nito. Natuon ang mga mata niya sa nilapag nitong tasa.Rose tea yun nakainom na siya niyun ng minsan bini

