TWO

395 Words
Agad na nginitian ang isang ginang na nagbabantay sa pasyente niya na si Mrs.Smith. "Doktora.." anito. "Goodevening,itsi-check ko lang ang vital signs ni Mrs.Smith.." Mabait ito ngumiti sa kanya. "Sister po ba kayo ni Mrs.Smith?" untag niya habang kinukuhanan niya ng BP ang natutulog na pasyente. "Yes,Ate Miriam ko siya,bukas pa lang makakarating ang dalawang anak niya mula sa States kaya ako na muna magbabantay sa kanya.." anito. "Maganda rin po kayo,Ma'am.." aniya. Bahagya ito tumawa. "Naku,salamat pero mas maganda ka kaysa sakin..para kang anghel," matapat nitong saad. Bigla naman siya nahiya sa papuri ng ginang. "Wala nga po naniniwala na anghel ako kasi evil angel daw ako," aniya. "Naku,sino naman nagsabi niyan sayo?" mangha saad ng ginang. She chuckled. "Mga manliligaw ko po," aniya. Natawa ang ginang sa sagot niya. Hindi niya alam pero mabilis niya nakagaanan ng loob ito gayun ngayon lamang sila nagkita nito. "I like you,doktora..I'm Melissa Evans," pagpapakilala nito sa kanya. Inabot niya ang kamay nito. "It's nice to meet you,Ma'am.." aniya. Tatlong beses siya kumatok bago niya tinulak pabukas ang pintuan ng private room na inuokupa ng Tita Miriam niya. "Mom," tawag niya sa ina. "Jeffrey,mabuti naman dumating ka na,"paghalik ng ina sa pisngi niya. "Kamusta po si Tita M?" aniya habang pinagmamasdan ang natutulog na tiyahin. "She's stable now..sabi nga ni Doktora mabuti na naagapan ang namuong dugo sa ugat niya.  She's safe now.." inporma ng ina sa kanya. Tumango siya at bumaling sa ina. "Mabuti pa po umuwi na muna kayo sa bahay ako na ho magbabantay sa kanya hanggang umaga.." aniya. Magbubukas pa rin naman ang shop niya dahil nandun naman si Ed. "Oh sige..babalik ako ng maagang-maaga bukas,kumain ka na ba?" anito. "Nagtake out ako ng pagkain natin,Ma..kain muna po tayo bago kayo umuwi.." aniya habang nilalabas sa dalawang plastic ang inorder niyang meal sa isang restaurant na nadaanan niya kanina. "Mabuti pa nga para deretso higa  na lang ako pagkauwi," anang ng ina niya. Sila na lang ng mama niya ang magkasama ngayon sa bahay. High school pa lang siya noon ng atakehin sa puso ang papa niya na isang amerikano. Namana niya ang kaguwapuhan ng ama pero kulay brown ang kulay ng mga mata niya na namana niya sa kanyang ina. He love his mother so much. Hinahangaan niya ang love story ng magulang niya. First love ng mga ito ang isa't-isa at siya ang naging bunga. Gusto niya matawa kasi sa batang edad niya noon alam na niya kung ano ang first love. Nasaan na kaya siya? May pamilya na kaya siya ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD